Chapter 04

1K 42 0
                                    

Chapter 04




"Maayos na ba ang pakiramdam mo Eli?"

Salubong sa akin ni Ma'am Cassandra sa akin nang abutan niya ako sa kusina kinabukasan.


Maaga akong gumising upang makabawi naman ako sa pagtulong sa gawaing bahay ngayong araw.


Tumutulong ako kay Nana Celia na magluto ng umagahan.


"Ayos nap o ako Ma'am Cassandra." Sagot ko.


"Naku Eli, pwede bang huwag nang Ma'am Cassandra ang itawag mo sa akin?" Tanong nito.


"Ano pong gusto niyong itawag ko sa inyo?"


"Uh Tita, will do." Sagot niya.


Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya at tumango.

"Sige po T-tita Cassandra." Nahihiya kong sabi.


"That's sounds better." Sabi niya.


Ngumiti nalang ako. Maging sina Nana at Ate Aila na kasama naming sa kusina ay natatawa.


Nagpaalam muna si Ma'am Cassandra na tatawagin na sina Doc Carlos upang makapag agahan na.


"Mukang kinawiwilihan ka talaga ni Ma'am Eli." Sabi ni Ate Aila.


Napakamot naman ako sa aking batok.


"Muka ka nga ate." Nahihiya kong sabi.


"Ang cute mo naman kase Eli," Dagdag pa niya saka ako kinurot sa magkabilang pisngi.


Tawa lang naman Nana. "Tama na 'yan at dalhin na ito sa mesa. Pababa na sila." Sabi ni Manang na amin namang sinunod.


Buong araw ay tumulong ako kina Ate Aila at Nana sa gawaing bahay. Binawal nila ako at hindi naman daw ako kasambahay duon ngunit hindi ako pumayag.


Hindi nga ako kasambahay ngunit hindi rin naman nila ako amo kaya nakakahiyang tumambay lamang sa bahay.


Wala na sa mansiyon si Keanno nang araw na iyon. Ang sabi ni Nana ay bumalik na raw ito sa condo niya at malamang ay may training raw ito sa unibersidad.


Nang sumunod na araw ay mag ibinigay na mga aklat at reviewer sa akin si Doc Caspian para raw makapag review ako para sa darating na admission exam ko sa susunod na lingo.


Iyon ang naging takbo ng mga unang araw ko sa mansiyon. Tumutulong ako kina Nana sa gawaing bahay, pagkatapos ay nag rereview ako at pagkayari ko mag review ay inaalagaan ko si Asher ang pusa ni Doc Caspian.


Hindi ko ito nakita noong unang araw ko rito dahil nasa vet raw. Malambing at maamo si Asher kaya ang sarap niyang alagaan.


Sabi ni Ate Aila ay Scottish fold daw ang breed ng pusang ito. Sobrang cute niya ang sarap niyang tingnan.


Nasa garden kami ngayon ni Asher. Nagbabasa ako ng librong ibinigay ni Doc Caspian habang hinihimas ang likod ng natutulog na si Asher sa aking kandungan.


"So you and Asher are best friends now."


Natigil ako sa pagbabasa ng libro nang may magsalita. Si Keano pala, naupo ito sa upuang nasa kabilang bahagi ng bench.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now