Chapter 13

819 47 1
                                    

Chapter 13





"Salamat, Allen. Ingat sa pag-uwi."

Pagpapa-alam ko kay Allen nang makababa ako. Tumango ito at kumaway.


"Kita nalang tayo sa school bukas. Goodnight Eli." Sabi niya bago itaas ang bintana ng kaniyang kotse at magdrive ito palayo.


Nang maka-alis si Allen ay duon pa lamang ako pumasok sa building. Sa lobby ay naabutan ko si Keano sa isa sa mga sofa roon nakaupo, busy sa kaniyang cellphone.


"Keano?" Pagtawag ko sa kaniya.


Kaagad naman siyang nag angat ng tingin sa akin. Tumayo siya kaagad at dinampot ang puting plastic bag na nasa mesa.


"Anong ginagawa mo 'dyan? Hinihintay mo ba ako?" Tanong ko.


Itinaas niya ang hawak niyang puting plastic bag. "Bumili ako ng ice cream sa convenience store, naisip kong intayin na kita." Sabi niya saka na tumalikod at naunang maglakad sa akin.


Sumunod naman ako sa kaniya papuntang elevator.


"How's the dinner?" Tanong niya nang makapasok kami sa loob.


"Ayos naman. Ang daming kwento ni Tita." Pagkukwento ko.


Wala naman siyang ibang sinabi at nakinig lamang sa pagkukwento ko hanggang sa makarating kami sa unit niya.




Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang tawagin niya ako.


"Bakit?"


"Samahan mokong kainin 'to." Sabi niya saka muling inangat ang hawak niyang plastic bag.


"Sige, mag bibihis lang ako." Sagot ko bago ako pumasok nang tuluyan sa kwarto ko.


Nagpahinga lang ako saglit bago naghilamos. Pagkatapos ay lumabas na rin ako at baka naubos na ni Keano yung ice cream. Gusto ko pa naman non.


Nasa veranda siya at duon nakaupo. Bahagya kong kinatok ang sliding door upang makuha ang kaniyang atensyon.


Nang makalabas ako ay unang nakuha ng atensyon ko ang mailaw na siyudad. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga iyon. Ngayon ko lang nakita itong tanawin na ito kahit ilang linggo na akong nandito.


Para itong dagat ng ilaw, ilog ng mga bituwin na nasa lupa. Napaka ganda at napaka payapang pagmasdan.


"Ang ganda." Sabi ko.


Narnig ko ang kaniyang mahinang pagtawa.


"Ang payapa hindi ba?"


Sumulyap ako sa kaniya. Nakatayo na ito at naka sandal ang mga siko sa bakal habang nakataw rin sa malaking siyudad na napupuno ng mga ilaw.


"Oo nga. Parang ang payapa ng siyudad na 'to."


Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa railings ng veranda at isinadal roon ang aking baba. Hinayaan ang paghampas ng malamig at payapang hangin sa aking mukha.


"Ngunit iyon ang kabaligtaran." Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at nag taas ng isang kilay.


Pagkuwa'y kinuha niya ang ice cream na binili niya kanina at inilagay sa maliit na mesang naroon. May dalawang baso na rin pala siyang nakahanda roon, hindi ko napansin.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now