Chapter 33

700 39 1
                                    

Chapter 33

Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong naging doble ang ingay ng mga tao hatid na rin ng tama ng alak. Mas lalong naging magulo ang mesa namin sa pangunguna nina Kenny. Kung anu-anong pinag-gagawa nila. Halatang may tama na ng alak.

Hindi ako masiyong umiinom. Hindi naman kasi malakas ang tolerance ko sa alak. Si Flynn na nasa aking tabi ay binawalan ko rin uminom ng marami dahil alam kong hindi rin ganoon kalakas ang tolerance nito sa alak.

"Ang daya niyo naman! Bakit juice ang hawak niyo!" Sita sa amin ni Lou, saka tinuro ang hawak namin. Namumula na an mukha nito dahil sa kalasingan.

Tumawa lamang kami ni Flynn at hindi nalang siya pinansin pa. Maging sina Dylan at Kenny ay umaangal sa amin.

"Sige tig-isang baso kayo oh last nato." Ayaw pa rin pa-awat ni Kenny at inabutan kami ni Flynn ng tig-isang baso ng alak.

"Sige na, Eli birthday ko naman e." Pangongonsensya pa ni Dylan.

Sinulyapan ko ang alak na nasa baso. Napabuntong hininga akong kunuha iyon. "Sige na nga." Sagot ko saka kinuha ang baso. Napangiwi ako dahil sa amoy ng alak na kaagad bumati sa aking ilong.

Sabay naming inisang lagok iyon ni Flynn. Kaagad na gumuhit sa aking lalamunan ang init at pait nito. Shit!

Pumalakpak naman sila na akala mo ay may kung anong nangyari. Inilapag ko ang baso sa mesa. Sa pag-angat ng mga mata ko ay nasalubong ko ang mga mata ni Keano na kanina ko pa iniiwasan.

Mula nang maupo kami rito sa kanilang harapan ay kanina pa siya nakatitig sa akin. Naiilang ako sa paninitig niya at kinakabahan baka may makahalata sa mga kasama namin, ngunit siya ay parang walang pakealam.

Pinilit kong maki-isa sa kanilang tawanan at itinago ang nararamdamang ilang. Hindi ko alam kung lasing na rin ba si Keano sa mga oras na iyon dahil kanina pa rin siya umiinom.

"Okay, maglaro naman tayo!" Suhestiyon ni Sandy kalaunan.

Naglapag siya ng walang lamang bote sa mesa tapos ay ngumisi.

"The famous truth or dare!" Sigaw niya na sinabayan naman ng iba.

"Oh my gosh! Can I spin it first ate Sands?" Tanong Stella sa kaniya.

"Sure, girl." Ibinigay ni ate Sandy ang bote kay Stella. SInabihan niya kaming lahat ay kasali at walang KJ.

Sinimulang paikutin ni Stella ang bote. Lahat ay naroon ang atensyon. May kaba at excitement sa bawat mata.

"Fuck!" Ungol ni Maico nang tumapat sa kaniya ang bote. Nagsitawanan kami dahil sa simangot ng kaniyang mukha.

"Okay ako ang magtatanong! Truth or Dare, baby boy?" Tanong ni Dylan sa kaniyang kapatid.

"Tsk. Dare!" Matapang na sagot ni Maico.

Ngumisi si Dylan na parang may hindi magandang pinaplano.

"Okay, I dare you to kiss Stella, ten seconds walang malisya!" Malapad ang ngising sabi ni Dylan na ikinalaki ng mata ni Maico.

"Are you nuts?" Angal ni Maico sa kapatid. Tinapik siya nito sa likod. "Oh, diba dare pinili mo? Ten seconds lang iyon, ano Stella payag kaba?" Bumaling it okay Stella na mukhang nagulat rin.

"Uh- yeah? I mean, it's just a kiss right, walang malisya!" Alangang sagot ni Stella saka sumulayap kay Maico na gulat sa kaniyang naging sagot. "C'mon Maico, it's just a kiss." Sabi niya pa rito nang hindi gumalaw si Maico.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now