Chapter 52

617 39 4
                                    

Chapter 52



Dalawang araw na ang lumipas nang araw na makipag hiwalay at iwan ko si Keano.

Sa Baguio ulit ako dinala ni Flynn. Siya ang sumundo sa akin noong araw na umalis ako sa condo. Dito niya ako dinala upang makalayo kay Keano.

Nagpunta rin ang mga kaibigan namin rito upang damayan ako nang nalaman nila ang nangyari. Tapos naman na ang semester kaya namalagi na muna sila rito upang samahan ako.

Tinawagan rin ako nina Ate Lou upang kumustahin, marahil ay nalaman nila ang nangyari kay Keano. Nalaman kong hinanap niya rin pala ako noong kinabukasan ng gabing iwan ko siya.

Mabuti nalang ay wala ni-isa sa kanila ang nakaka-alam kung saan sa Baguio ang bahay nina Flynn. Maging si Ma'am Cassandra ay tinawagan ako upang tanungin kung anong nangyari sa amin ni Keano.

Nahiya ako sa kaniya dahil hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos at kabod nalang ako umalis. Humingi ako ng paumanhin sa kaniya at kay Doctor Carlos sa ginawa ko.

She just told me that it's fine and she's asking if it's okay na magkita kami upang makapag-usap. Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko pa alam kung kaya kong nang bumalik ng Manila.

Sobrang sakit pa rin ng mga nangyari. Alam kong ako ang nakipaghiwalay, ako ang umalis, at hiniling ko kay Keano na pakasalan si Sofia pero hindi ko maiwasang masaktan.

Kahit gaano ko libangin ang sarili ko rito kasama ang mga kaibigan ko, sa gabi ay umiiyak pa rin ako mag-isa sa kwarto. Parang sinasaksak ang puso ko ng maraming punyal.

Ang sakit-sakit. Ganito pala kapag nag-mahal ka. Nakakapanghina. Nakakadurog.

Pumunta rin rito si Papa. Malapit na kasi siyang umalis.

Namasyal kaming dalawa at nagbonding since magiging matagal-tagal ulit bago kami magkita. Naayos na rin pala ng abogado nina Flynn ang pangalan ko at sabi niya ay pagbalik niya ng Canada, aayusin niya kaagad ang citizenship ko roon, para kung nais ko roong tumira ay pupwede.

Habang magkasama kami ay sinubukan kong maging masaya. Sinubukan kong kalimutan at huwag pansinin ang sakit na aking nararamdaman, dahil ayokong makita niyang hindi ako okay.

Hanggang maari kasi ay ayokong ipaalam kay Papa ang mga nangyari. Ayokong umalis siyang alam niyang hindi ako okay.

Pero mukang iba talaga siguro ang magulang. Because he sees right through me.

"Eli, son are you okay?"

Mula sa pagkakatitig ko sa pond, ay sumulyap ako sa kaniya. Ngumiti ako.

"Of course, I'm okay Dad." I answered.

Bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata at tipid na ngumiti.

"You seems not okay for me. But if you don't want to tell me what's going on with you, it's fine. I wouldn't force you, just know that I am here. I am our father, you can tell me anything you want."

Hindi ko napigilang pangilidan ng luha.

Simula ng mawala si Mama, lagi kong sinusubukang sarilinin ang lahat ng problema ko dahil ayokong maging pabigat pa kina Lolo ang pansarili kong problema. Kaya nasanay akong hindi nagsasabi sa kanila, o maging sa kahit na sino liban nalang kung hindi ko na kaya.

Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at umusog palapit kay Daddy. Idinantay ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Thanks, Dad."

Naramdaman ko ang paghagod ng kaniyang kamay sa aking likod tapos ay tinapik nito ang aking balikat.

"Now that I am here, you don't have to bare all your problems alone. You can share it with me."

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat