Chapter 03

1K 50 4
                                    

Chapter 03


Sunod sunod na ubo at paghingang malalim ang aking ginawa nang maka-ahon ako mula sa swimming pool.


Kinabog ko ang aking dibdib habang patuloy ang aking pag-ubo.


"Shit! Are you okay? Hey answer me are you okay?"


Halos mabingi ako sunod sunod niyang tanong sa akin, isabay pa ang kaniyang paguga sa aking balikat. Bakas ang pag-aalala at frustration sa kaniyang boses.


"A-yos l-lang a-ako." Nuubo kong sagot sa kaniya.


"Shit! Wait me here."


Sabi niya saka ako iniwan roon.


Hindi ko alam kung saan pupunta ang estrangherong iyon pero wala na akong lakas para alamin pa.


Nanghihina ako dahil sa pangdaliang pagkawala ng hangin sa aking baga. Idagdag mo pa ang lamig na bumabalot sa buo kong katawan sa mga sandaling ito.


Niyakap ko ang aking sarili sarili at sinubukang kumalma. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit kong inalis sa isip ko ang nangyari kanina upang patigilin ang takot sa aking dibdib.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may makapal na tela ang pumatong sa aking ulo at yumakap sa aking katawan.


Binuksan ko ang aking mga mata at ang hindi pamilyar na mukha ng lalaki kanina ang aking nakita. Nakatitig ito sa akin na ani mo sinusuri akong mabuti.


Ang mga kamay ay nakahawak sa tuwalyang kaniyang binabalot sa akin.


Alam kong wala namang kaso ito sa amin, dahil pareho naman kaming lalaki ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil sa paninitig nito sa akin, kaya't bahagya akong lumayo.


"Uh, s-salamat." Sabi ko.


Bumuga ito ng hangin at bahagyang lumayo.


Akala ko ay aalis na siya sa harap ko ngunit nagulat ako nang muli niyang hawakan ang dalawa kong braso at inalalayan akong tumayo.


"Who are you?" Tanong niya. Nakakunot ang noo.


"U-uh, a-ko si Eli." Pagpapakilala ko.


Mas lalong umalim ang pakakunot ng kaniyang noo at tila pilit inalala kung saan niya narinig ang pangalan ko.


"Eli? Are you my dad's scholar?" Tanong niyang muli.


Tumango ako.


Muli akong nanginig nang umihip ang hangin. Napahawak ako ng mahigpit sa makapal na tuwalyang nakabalot sa aking katawan.


Magsasalita pa sana siya ngunit natigil siya ng mabahing ako. Urgh. Nagsisimula na akong sipunin dahil sa lamig!


"P-pasenya na." Paghingi ko ng paumanhin. Nakakahiya!


"It's fine. Uh, pumasok kana sa loob. Bukas na tayo mag usap." Sabi niya.


Tumango ako at saka na nagpaalam.


"Uh, salamat ulit sa pagligtas sa akin."


Nahihiyang sabi ko bago siya tinalikuran at saka mabilis na naglakad papasok sa mansiyon. Maingat akong umakyat sa taas dahil ayokong madulas at gumawa ng ingay, nakakahiya sa mga tao.


Pagdating ko sa aking silid ay kaagad akong nagpalit ng damit at nagbalot ng comforter dahil sa ginaw. Binulabog ako ng pagbahing at ng lamig nang gabing iyon.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now