Chapter 24

734 43 2
                                    

Chapter 24

Sa Bituin Cove beach campsite sa Nasugbu Batangas ang location ng booth camp activity ng organization nina Lou. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang matanaw ko ang asul na dagat pagkababa ng sasakyan.

Hindi naman na pwedeng umurong dahil nandito na ako kaya pinilit ko nalang iwaksi ang isipan ko mula sa dagat. Naunang dumating rito ang iba naming kasamahan at mukang kami ang pinakahuli.

"Hi, Ma'am Ally, sir Miko, ito nga pala mga kaibigan ko. Mga volunteer natin sila para sa activity na ito." Pakilala ni Lou sa amin sa dalawang tumatayong head activity organizer.

"Naku, maraming salamat sa pagtulong ninyo. Malaking bagay ito para sa mga bata." Sabi ni Ma'am Ally.

"Wala po iyon, masaya kaming makatulong 'diba guys?" Sagot ni Sandy na kaagad naman naming sinang-ayunan.

Nakapag briefing na sila bago kami nakadating kaya naman si Lou nalang ang nag orient sa amin ng mga mangyayari sa three days and two nights booth camp na ito.

After kami mai-brief ni Lou ay itinayo na namin ang aming mga tent. Wala munang activity sa umagang iyon, dahil ginamit ang oras para sa pagtatayo ng tent at pag-aayos ng iba pang kailangan sa camp.

Mamayang after lunch raw ang pormal na opening ng booth camp.

Kami ni Keano ang magkasama sa tent, habang sina Sandy at Lou naman tapos sina Dylan at Kenny. Nang matapos kami magtayo ay kaniya-kaniya naming tent ay tumulong naman kaming mag-ayos at magprepare na rin ng pagkain para sa lunch.

After lunch ay inumpisahan na ang programa. Nagbigay lang ng maikling mensahe sina Ma'am Ally at Sir Miko, ay isa-isang nagpakilala ang bawat participant maging kaming mga volunteers. Then inumpisahan na ang groupings para sa mga participant.

Bali nasa sampung teenagers ang naging participant ng booth camp at hinati sila sa dalawang groups. Sina Keano at Sandy ang naging team leader sa kabila habang ako at si Kenny naman sa isa.

Kung anu-anong group games ang unang ginawa namin para maalis ang ilangan at hiyaan sa bawat isa. Medyo awkward lang ang ambiance noong una dahil sa nagkakahiyaan pa ngunit naging maayos rin sa huli.

Si Kenny ang tumayong team leader habang ako naman ay assistant niya. Hndi ko maiwasang bumilib sa kaniya dahil parang ibang Kenny ang nakikita ko ngayon.

Parang natural na natural sa kaniya ang makitungo sa iba, isang bagay nakabawas sa pagkailang ng mga kasamahan namin.

Hapon nang matapos ang games at pantay ang puntos na nakuha namin sa mga laro.

"Good job guys," Palakpak ni Kenny at nakipag high-five siya sa bawat member namin. "Good job Eli!" Sabi niya sa'kin tsaka ginulo ang buhok ko matapos makipag high-five at humalakhak.

Sinimangutan ko siya at inayos ang buhok kong ginulo niya.

"Excuse me!"

Kapwa kami napatigil ni Kenny nang dumaan sa gitna naming dalawa si Keano. Sinundan ko siya ng tingin nang nakakunot ang noo. Anong problema ng isang 'yon? Ang laki-laki ng daan sa gitna pa talaga namin ni Kenny siya dumaan.

Narinig ko ang pagtawa ni Kenny. Sumulyap ako sa kaniya nang nakakunot pa rin ang noo. Wala naman siyang sinabi at kumindat lang siya sa akin. Ano naman kaya iyon?

Hindi ko nalang pinansin si Kenny at nagtungo na sa tent namin upang kuhanin ang gamit ko upang makaligo na.

Hindi ako pinapansin ni Keano kahit na naroon siya sa loob ng tent nang kunin ko ang gamit ko hanggang sa makapag dinner kami. Hindi ko rin naman siya kina-usap dahil baka wala sa mood.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα