Chapter 18

819 42 0
                                    

Chapter Soundtrack: Falling in Love by: MYMP

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 18




Tunog mula sa timer ng aming professor ang naging hudyat ng pagtatapos ng pinaka huling exam namin para sa unang term ng semester.


Sabay-sabay kaming nag pasa ng aming mga answer sheet sa kaniyang desk.


"This is the end of your prelims, congratulations everyone. Now you can enjoy the University Intramurals Week. Have a great week ahead." Masayang sabi n gaming professor bago niya kami i-dismissed.


"Gosh, finally it's over!" Sabi ni Stella nang makalabas kami ng room.


"Mabuti nalang hindi ko nakalimutan mga pinag-aaralan at ni-review natin." Natatawang sabi naman ni Yuri.


Nagplano silang kumain sa labas bago umuwi para i-celebrate ang unang exam namin sa kolehiyo. I-tinext ko si Keano para mag paalam na sasama ako kina Stella. Hindi naman siya nag reply, marahil ay nag e-exam pa rin siya hanggang ngayon.


Sa malapit na mall kami pumunta. Sa isang Korean restaurant kami kumain tapos ay nagplano silang manood ng movie pagkatapos. Aayaw sana ako dahil baka malate ako ng uwi at magali na naman si Keano ngunit wala akong nagawa nang hitakin na nila ako papunta roon.


Horror movie ang napili nilang panoorin. Alangan pa ako dahil kahit sabihing kolehiyo na ako ay matatakutin pa rin ako. Hindi ako naging komportable sa aking upuan nang magsimula ang palabas lalo na dahil sa nakakatakot na tunog.


"You scared?"


Sumulyap ako sa katabi kong si Flynn nang tanungin niya ko. Napansin niya yata ang mahigpit kong pagkakahawak sa arm rest ng upuan.


"Uh, h...hindi naman." Pagsisinungaling ko.


Baka pagtawanan lamang ako ng isang 'to kapag nalaman niyang natatakot ako sa horror movie sa tanda ko nang ito.


I heard him laughed softly, kaya muli akong sumulyap sa kaniya. "You're expression says the otherwise." Bulong niya.


May kinuha siya sa kaniyang bag. Ang kaniyang earphone.


"Here, kung ayaw mong makinig, wear it." Sabi niya saka inabot sa akin.


Kinuha ko naman iyon saka isinuot. Para lang akong tangang nanonood ng movie nang may nakapasak na earphone sa aking tainga. May pinlay na music si Flynn, kaya kahit papaano ay nabawasan ang aking takot.


Dahil sa pakikinig ng musika ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising lamang ako ni Flynn nang tapos na ang movie.


Kumain muna ulit kami bago nila ako hinatid ni Yuri sa condo ni Keano.


Pagdating ko ay nanduon na siya at nanonood sa sala. Tinanong ko kung kumain na siya para makapag luto ako.


"Magluluto ako." Sabi ko nang sabihin niyang hindi pa raw.


Nagpalit lamang ako ng damit saka na pumuntang kusina.


Napangiwi ako nang makitang wala na palang stock roon na pwedeng maluto. Hindi nga pala kami nakapag grocery ni ate Aila noong nakaraang weekend kaya naubos na ang stock.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now