Chapter 40

799 41 3
                                    

Chapter 40



Hanggang ngayon hindi para pa ring panaginip ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa nakalipas lamang na ilang linggo.

Never in my life had I thought that I would fall for someone like Keano. He's out of my league. He's almost perfect in all ways. What did I do to make this guy fall for me? There is no special in me. I am just a plain simple probinsyano guy, which is why until now I am still wondering how he fell for me.

Umingay ang stadium nang lumabas ang mga swimmer athletes. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Iba't ibang cheer ng iba't ibang school ang pumailanlang sa stadium.

"Oh my gosh! Go Kean!!"

"Marry me Kean!"

"Urgh! Rail me Kean Anthony Leondones!"

Iilan lang iyan sa mga sigaw ng mga taga-hanga at taga-suporta ni Keano. Natawa nalang ako sa aking mga naririnig.

It felt a little awkward but that's fine. He's a swimmer super star okay, and this kind of things are just common.

Ito ang unang araw ng tournament nila. Mabuti nalang ay wala kaming klase ngayong araw kaya nakanod kami. Kasama ko ang mga kaibigan ko.

Nakita kong luminga-linga si Keano sa paligid na parang may hinahanap. Hindi niya alam na makakapunta ako. I told him na may klase ako hindi ako sigurado kung makakanood ako.

Kahit kinakausap sila ng coach nila ay patuloy pa rin ang kaniyang mata sa pagsuyod sa audience.

"Kean!!"

Huminto ang kaniyang mga mata sa gawi namin nang sabay na sumigaw ng malakas sina Ate Lou at Sandy.

Kaagad nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang kaninang suplado niyang itsura ay biglang nawala. Gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi.

"Yown oh! Inspirado si Doc!" Katyaw ni Kenny na sinundan ng malakas na tawanan ng mga kasamahan namin. Si Dylan ay pumito pa.

Napailing nalang ako. Nahihiya akong muling sumulyap kay Keano. Kumaway ito at kumindat pa na mas lalong nagpaingay ng mga tao sa side namin. Ang mga babae at iba niyang tagahanga ay walang mapagsidlan ang pagtili dahil duon.

"Ay, sorry girls hanggang pangarap nalang kayo. Hindi para sa inyo ang kindat na iyon." Sabi ni Sandy sa ilang kababaihang nasa harapan namin na nagtatalo-talo pa sa pag-angkin kung kanino ang kindat na iyon.

Humalakhak sina Stella at Yuri dahil duon. Lalo na nang humarap sa amin iyong mga babae at irapan sila.

"Mga ambisyosa." Hirit pa ni Yuri.

Umiling nalang ako at muling ibinalik ang tingin kay Keano.

Hindi ko rin naman masisisi ang mga babaeng ito at ang iba pang taong tumitili sa kaniya. Talaga naman kasing agaw atensyon siya kumpara sa ibang mga kasama niyang naroon. Lalo na ngayon na tinanggal na niya ang puting towel na nakabalot sa kaniyang katawan.

Tanging swimming trunks nalang ang kaniyang suot ngayon. Kitang kita ang ganda ng kaniyang katawan. Mas lalo tuloy lumakas ang hiyawan ng mga tao.

Ilang beses ko na nakita ang kaniyang katawan noong magkasama pa kami sa condo niya. It didn't affect me before, pero ngayon bigla akong nakaramdam ng ilang sa pagtitig rito.

Muli siyang tumingin sa gawi namin. Ngumiti ito at kumaway. Muling nagkagulo ang mga babaeng nasa aming harapan.

I just smiled at waved a little.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now