Chapter 42

614 36 1
                                    

Chapter 42



"Sigurado ka bang ayaw mo talagang magpahatid?"

Umiling ako sa muling tanong ni Doc Carlos sa akin. Ngayong araw ang uwi ko sa probinsya. Minumungkahi ni Doc Carlos na magpahatid nalang ako kay Kuya Lando ngunit tumanggi ako.

Masyadong malayo ang probinsya namin at mahirap ang daan kaya nakakahapo ang pagmamaneho. Ayokong maka-abala pa kay Kuya Lando.

"Hindi na po. Ayos lang po ako sa bus." Sagot ko.

"O, siya sige kung ganon ay magiingat ka nalang."

"Mag-iingat ka, hijo." Sabi ni Ma'am Cassandra.

Nagmano muna ako sa kanila bago nagtungo sa kotse ni Keano. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa terminal.

Nang makapasok ako ay kaagad niyang pina-andar ang kotse. Salubong ang kaniyang mga kilay ay nasa iisang linya ang kaniyang mga labi.

Hindi siya umiimik. Gusto niya kasing sumama sa akin pauwing probinsya ngunit tumanggi ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang isama roon ngunit kasi, hindi pa alam nina Lolo ang relasyon na meron kami.

Nakapag desisyon akong ngayon ko sasabihin pag-uwi ko, gusto kong ako muna ang kumausap sa kanila kaya ayoko siyang isama muna.

"Uy, hindi mo ba ako kakausapin?" Tanong ko sa kaniya nang huminto kami dahil sa traffic.

Sinulyapan niya lang ako saglit saka muling ibinalik ang mata sa daan.

Psh. Napaka-mapaginarte ng isang to'.

Bumuga ako ng hangin tsaka siya muling sinundot sa tagiliran. "Hindi mo talaga ako papasinin? Sure na 'yan?" Sabi ko. Ngunit nanatili siyang walang kibo.

Nainis na ako kaya nilubayan ko na rin siya. Pinagkrus ko ang kamay ko sa aking dibdib at bumalik sa labas. Nakaka-inis!

Walang imikan kaming nakarating sa bus terminal. Hindi ko na hinintay pagbuksan niya ako at kaagad akong bumaba ng kotse niya.

"Eli!" Tawag niya sa akin nang walang paalam akong naglakad patungo sa bilihan ng ticket ng bus.

Maraming tao sa terminal na mga katulad kong uuwi rin ng kanilang mga probinsya. Mahaba ang pila sa bilihan ng ticket.

"Eli,"

Napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya. "Ano? Akala ko ayaw mo akong kausapin?" Inis kong tanong sa kaniya.

Bumuntong hininga siya. "I'm sorry. I'm sorry for acting so immature. It's just that..." Nag-iwas siya ng mata. Parang hirap na hirap siyang sabihin kung ano ang nais niyang sabihin.

Then I realized what makes him unease about me leaving him for a while. Ang inis na nararamdaman ko kanina ay unti-unting naglaho. Bakit hindi koi to naisip kaagad?

"You're afraid that I might not coming back are you?" I asked.

Umigting ang kaniyang panga. "Y-yeah...I'm sorry. I just can't help to think of it." Sabi niya.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Hey look at me..." Tumingin siya sa akin. Nginitian ko siya. "I'll come back, okay? Isang linggo lang 'yon at isa pa pwede naman tayo magtawagan araw-araw." Sabi ko.

Tumango-tango siya. "Yeah...of we'll do it. I'm sorry for over reacting."

Umiling ako. "No, it's okay. I understand."

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now