Chapter 43

613 36 0
                                    

Chapter 43



"Dapat ay personal naming makilala ang lalaking 'yan Eli. Dapat ay pumunta s'ya rito." Ani ni Uncle.

Nasa hapagkainan kami at kasalukuyang kumakain ng hapunan nang ipagtapat ko sa kanila ang sinabi k okay Lolo. Alangan pa ako noong una ngunit pinalakas ni Lolo ang loob ko.

"Tama 'yon! Mahirap na at taga Maynila pa man din 'yon, dapat ay masiyasat 'yon ng mabuti." Segunda naman ni Kuya Leo.

Natatawa nalang akong tumango sa kanilang mga sinasabi.

"Ay kayong dalawa ay magtigil nga! Ikaw Eli, anak hindi ka naman pagbabawalan 'dyan sa relasyon mo sa lalaking 'yan. Pero huwag sanang makahadlang 'yan sa pag-aaral mo ha? Paalala lang." Sabi ni Auntie.

Ngumiti ako at tumango. "Opo, Auntie. Huwag kayong mag-alala, pag-aaral ko pa rin ang first priority ko." Sagot ko.

Ngayon na nasabi ko na kina Lolo ang tungkol sa amin ni Keano ay nakahinga na ako ng maluwag. Tanggap nila ako at ibinigay nila sa akin ang kanilang suporta. Sobrang nakakataba ng puso.

Ipinaalam ko rin kay Keano na nasabi ko na sa pamilya ko ang tungkol sa amin. Masaya siya na wala na kaming dapat ipag-alala sa relasyon namin. Lahat ay maayos, sa pamilya niya at sa akin. Parang hindi kapani-paniwala, nakaka overwhelmed.

Lumipas ang mga araw na walang baktaw ang pag-uusap namin sa telepono. Parang hindi ko man nga lang narandaman na magkalayo kami dahil araw-araw kong naririnig ang boses niya. Minsan ay napapailing nalang ako sa kakulitan niya sa tuwing magka-usap kami.

Sumapit ang bagong taon. Simple lang ang naging handaan namin gaya ng mga nakaraang taon. Hindi man sobrang dami at engrande ang mga pagkain sa mesa gaya ng sa mansion, iba pa rin yung saya kapag 'yung mga pamilya mo ang iyong kasama.

Pagkatapos ng kainan ay tinawagan ko si Keano upang batiin siya. Nagsusumpong na naman siya dahil maghapon kaming hindi nakapag usap dahil sa hindi maayos na signal sa lugar.

Sa mga ganitong pagkakataon kasi ay sobrang hirap talaga ng signal dito sa lugar namin. Kahit text message ay hirap makapag send at makatanggap.

"Happy new year, love." I greeted him when he answered the call.

"Psh. Happy new year," Nakanguso niyang sabi. Natawa nalang ako sa pag-susumpong niya na parang bata.

Narinig ko sa kaniyang background ang mga boses ng mga tao sa mansion.

"Mahina nga ang signal. Huwag kana magtampo na parang bata 'dyan." Sabi ko sa kaniya.

Narinig ko ang kaniyang pag-buga ng hangin.

[Sorry, miss lang talag kita ng...sobra.]

Humina ang kaniyang boses na parang nahihiyang sabihin iyon.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi upang pigilan ang aking pag-ngiti. Nakiliti ako sa mga pag-galaw ng mga insekto sa aking sikmura.

Sobrang laki talaga ng epekto ni Keano sa aking sistema. Simpleng mga salita niya lamang ay nagkakagulo ang buo kong sistema. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin.

"Don't worry, uuwi na rin ako. Just wait a little more time." Sagot ko.

Uuwi...nakakatwang isipin na noong unang dating ko sa Maynila ang tahanang ito ang sabik kong uwian. Ngayon sa nakalipas na maikling panahon, si Keano na ang tahanan kong gusto kong uwian.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now