Chapter 23

818 43 0
                                    

Chapter 23

Mabilis na lumipas ng mga araw at natapos ang midterm. Tumawag ako kina Lolo at ipinaalam sa kanila na uuwi ako sa term break para sa holiday. Natuwa naman sila dahil miss na miss na raw nila ako.

4AM nang sinundo kami nina Lou sa condo nang araw ng sabado. Sa iisang sasakyan na lang kami sumakay, at sina Dylan at Kenny ang magsasalitan raw sa pagmamaneho.

"I'm happy na nakasama ka, Eli." Sabi ni Lou.

"Uh, salamat rin sa pagimbita." Sabi ko.

"Salamat rin sa'yo at sumama si Kean," Sabi ni Kenny na nasa passenger seat. Sinulyapan ako nito mula sa rear view mirror. Nagtaas baba pa ang kaniyang mga kilay.

"I invited him, asshole!" Asik ni Keano sa kaniya saka sinipa ang likuran ng kaniyang upuan.

Nagtawanan naman sila ni Dylan dahil roon.

"That's enough, idiots!" Sita ni Sandy sa kanila. "Don't mind them." Sabi niya sa akin. Tumango lamang ako.

Kaming apat ang magkakatabi sa likod. Ako at si Sandy ang nasa gitna habang si Lou at Keano naman ang nasa tabi ng bintana.

Hindi nga ako gaanong komportbale sa upuan ko dahil masyado kaming magkalapit ni Keano ngayon. Hindi namin maiwasang magkatamaan ng balat. Pakiramdam ko ay nakukuryente ako sa tuwing tumatama ang balat ko sa kaniya.

"You can sleep, Eli mahaba pa naman ang biyahe." Sabi ni Keano sa aking gilid.

Nakita niya yatang humikab ako. Tumango ako at ipinikit ang mga mata. Nahirapan pa akong matulog dahil nilalamig ako.

Nakalimutan kong magdala ng jacket. Naiwan ko kasi sa condo ni Yuri yung jacket ko noong huling beses na nag sleepover kami para mag-aral para sa midterm.

Niyakap ko nalang ang sarili ko upang kahit papaano ay mibsan ang lamig. Unti-unti ay hindi na bawasan ang lamig na nararamdaman ko. Kaya naman nahulog ako kaagad sa malalim na pagkakatulog.

Sobrang komportable ng pagkakatulog ko na halos nakalimutan ko na nasa sasakyan nga pala ako. Nagising ako nang maramdaman ang marahang pagtapik sa aking pisngi.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Keano sa akin. Kaagad akong napalayo mula sa pagkakadantay sa kaniyang balikat.

"Uh, s-sorry..." Natatarantang sabi ko.

Lumingon ako sa paligid at duon ko lang namalayang nakatigil na ang sasakyan at wala ang mga kasama namin sa loob.

Kumunot ang aking noo. "Nandito na ba tayo?" Tanong ko.

Tumawa siya at umiling. "Wala pa. Stop over lang. Let's go buy some foods." Pag-aaya niya sa akin saka naunang bumaba ng sasakyan.

Ako naman ay saglit na napatigil nang makitang nakabalot sa akin ang jacket ni Keano na kaninang suot niya. Kaya pala nawala ang panlalamig ko ay dahil duon.

"Keano, jacket mo." Inabot ko sa kaniya iyong jacket niya nang makababa ako.

Kinuha niya iyon. Akala ko ay isusuot niya ngunit hindi. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Pakiramdam ko ay tila tumigil ang pagtakbo ng oras sa mga sandaling iyon nang sa akin niya isuot ang jacket.

Napatitig lamang ako sa kaniya nang mga oras na iyon. Sobrang lakas ng tibok ng puso na parang nakikipag karera ako.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now