Chapter 02

1.2K 56 0
                                    

Chapter Soundtrack: You'll Be Safe Here by: Rivermaya

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Chapter 02




"Ma, this is Eli. Eli, my mom, Cassandra Leondones."


Pakilala ni Doc Caspian, sa magandang ginang na sumalubong sa amin pagpasok sa malaki nilang bahay.


Nahihiya akong ngumiti. "Magandang, araw po ma'am Cassandra." Pagbati ko.




"Oh, dear it's nice to finally meet you Eli..." Medyo nagulat ako ng bigyan ako nito ng yakap. Hindi ko inaasahan na ang isang katulad niyang nababalot ng karangyaan ay yayakap sa tulad ko.




Bigla akong na-ilang at hiya dahil mukhang mas mahal pa yata ang floor mat nila kaysa sa suot kong damit, tapos ay nadikit ito sa mamahalin niyang damit.


"You're so handsome..." Hinawakan nito ang aking mukha at hinawakan ako sa braso. "Oh, I prepared a food, let's go alam kong naging mahaba ang biyahe mo at paniguradong gutom kana. Caspian, let's go." Sabi ni Ma'am Cassandra.


Sinabi niya sa akin na iwan nalamang sa sala ang aking dalang bagahe at ipapakuha nalang niya iyon sa kasambahay upang ipahatid sa aking tutuluyang silid.




Kasunod namin si Doc Caspian, na nag tungo sa mesa nap uno ng mga pagkain. Nang maamoy ko ang amoy ng mga ito ay biglang kumalam ang sikmura ko.


Narinig ko ang marahang pagtawa ni Doc Caspian dahil narinig niya ito.


"Sit down, Eli gutom kana." Pabiro niyang sabi.


Awkward naman akong ngumiti at tumango. Sobrang dami ng pagkaing nasa mesa, sa tana ng buhay ko ngayon lamang ako nakaharap sa mesang maraming pagkain na walang selebrasyon o okasyon.


"Uh, sana magustuhan mo ang mga inihanda kong pagkain para sa iyo, Eli." Sabi ni Ma'am Cassandra.


Bahagyang nanlaki ang aking mata. "H-hinanda niyo po ito para sa akin?" Medyo gulat kong tanong. Ngumiti si Ma'am Cassandra at tumango.


"Of course! Bisita ka namin kaya, ipinaghanda kita. Sige kumain kana at huwag kang mahiya, para s aiyo lahat iyan." Masayang sagot niya.


"Kumain kana Eli, ganyan talaga si Mama, sa mga bisita ng bahay na ito." Natatawang sagot ni Doc Caspian na nagsimula na ring kumain.


Tumango ako at muling nagpasalamat bago kumain. Sumabay na rin sa amin si Ma'am Cassandra na kumain at habang kumakain kami ay nagtatanong tanong ito ng tungkol sa akin at sa lugar na aking pinanggalingan.


Tulad ni Doc Caspian ay madali ring napalagay ang loob ko kay Ma'am Cassandra dahil, magaan siya kausap at ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang pagtanggap sa akin.


Naunang natapos kumain si Doc Caspian at nagpaalam na rin ito na babalik sa ospital. Ako naman ay pagkatapos kumain ay hinatid ni Ma'am Cassandra sa silid na aking tutuluyan.




Sa ikalawang palapag iyon ng bahay. Halos malula ako sa laki noon, higit pa yata ang laki noon sa bahay namin.




"Naku Ma'am Cassandra, ang laki naman ho ng silid na ito. Nakakahiya naman po na dito pa tutuloy. Maari naman po ako sa maid's quarter or sa kahit na maliit na silid." Nahihiya kong sabi sa kaniya.




The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora