Chapter 07

901 40 3
                                    

Chapter 07




Paguwi naming ng mansiyon ay kaagad kong ipinaalam kina Nana Celia ang pagkakapasa ko sa admission exam ng university.


Maging sila ay naging masaya sa aking balita.


"Sabi na at sisiw lamang sa iyo, ang exam na iyon e." Sabi ni Nana Celia sa akin.


Nasa kusina kami ngayon at nagluluto para sa hapunan.


Napakamot ako sa aking batok. "Hindi naman Nana, nahirapan ng ako ng sobra e." Sagot ko naman.


Sinundot ako ni Ate Aila sa tagiliran ko. "Naku, pa-humble ka pa. Pero tama 'yan dapat tayong matatalino ay pa-humble lang." Sabi niya saka ngumisi.


Nakatikim naman siya ng batok kay Brando, ang driver ni Ma'am Cassandra, na lagi niyang kaasaran.


"Naku Aila, huwag kang pilengera 'dyan, wala kang talino." Sabi ni Kuya Lando tsaka humigop ng kape.




Sumimangot naman si Ate Aila at inis na hinampas sa braso si Kuya Lando, at iyon ang umpisa ng kanilang walang kasawaang asaran.


Tawa naman kami ng tawa nina Nana Celia dahil sa kanila. Napadako ang aking mata sa pintuan ng kusina kung saan nakita ko roon si Keano na naka sandal sa door frame, habang nakatingin sa amin.


Nang mapansin rin siya nung dalawa ay kaagad silang huminto. Huminto tuloy ang ingay sa kusina.




"May kailangan kaba hijo?" Tanong ni Nana sa kaniya.


"Uh, gusto ko sana ng kape, Nana." Sabi niya.


"Ako na magtitimpla." Pagpiprisinta ko. Nagluluto pa kasi si Nana.


Nagpaalam naman yung dalawa na lalabas. Napailing nalang ako sa kanila. Ang sabi ni Aila ay medyo ilag siya kay Keano dahil nakakaintimidate raw itong tumingin. Kahit na gwapo raw ito ay hindi niya gusto itong lagging nakakaharap.


"Ito na kape mo."


Inilapag ko ang kaniyang kape sa counter top kung saan siya nagiintay.


"Thanks."


Nanatili lamang siya roon. Ako naman ay tumulong kay Nana na maghiwa pa ng rekados ng iba pa niyang lulutuin. Maraming pinaluto si Ma'am Cassandra dahil masaya raw siya para sa akin.


"Can I help?"


Nahinto ako sa paghihiwa nang magsalita siya. Maging si Nana Celia ay nahinto sa kaniyang ginagawa.


Lumapit si Keano sa akin at kumuha ng kutsilyo tsaka isang patatas.


"How would I slice this?" Tanong niya. Initsa-itsa pa niya ang patatas sa ere.


"Sigurado ka? Baka mahiwa ka lang." Nanunuya kong turan sa kaniya.


Hindi ba sinabi niyang hindi siya marunong magluto, so baka hindi rin siya marunong maghiwa.


Parang hindi naman makapaniwala ang kaniyang ekpresyon sa aking sinabi.


"Woah. Are you belittling me, kid?" Mayabang niyang sabi.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now