Chapter 26

771 43 1
                                    

Chapter 26

Hindi ko alam kung napapansin ni Keano na halos hindi na ako humihinga habang nakapatong sa kaniyang mga hita ang aking paa at banayad niyang niye-yelo ang aking paa.

Nang nag-angat siya ng tingin sa akin ay kaagad akong nag-iwas. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. Ngumuso lamang ako.

Nang maubos ang yelo ay kaniya naman iyong binalot ng elastic bandage. Mabuti nalang at may dalang first aid kit sina Ma'am Ally.

Dahil sa nangyari ay hindi ko na nagawang tumulong pa sa kanila na makapaghanda ng dinner. Naka-upo lamang ako. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya! Isa pa si Keano na daig pa ang istriktong tatay na laging nakabantay sa akin.

Ayaw niya akong patayuin! Kung hindi man ay nagpupumilit siyang alalayan ako. Napapikit nalang ako ng mariin sa kaniyang kakulitan. Hindi tuloy malubay ang tawanan nung apat niyang kaibigan lalong-lalu na si Kenny at Dylan.

Hanggang sa paliligo ko ay parang gusto niya pang sumama. Sinamaan ko lamang siya ng tingin at sinabing magiinatay nalang sa labas ng cr. Hindi naman ganon kalala ang naging sprain ko, actually okay, okay na nga siya. Medyo may sa over reaction lang talaga si Keano.

Ngunit sa kabila nang lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng saya sa kalooban ko. Ang pag-alala at pag-aalaga sa akin ni Keano ay bumuhay sa iba't ibang emosyon sa aking kalooban. Tulad noong nilagnat ako at inalaagan niya.

I don't know if he's really caring or what...marahil ay likas na siguro sa kaniya iyon, well, he's father and brother are doctors maybe being accountable and caring runs through their blood.

Mapayapa naman ang naging gabi ko maaga akong nakatulog. Hindi ko na rin tinangkang kausapin si Keano dahil baka kung ano na naman ang sabihin niyang magpagulo ng isipan ko.

Kinabukasan ay umuwi na rin kami. Nagpaalam kami sa mga nakasama namin sa camp. It was really a fun. Nakakabitin nga lang at napaka-ikli ng oras.

Nang makarating kami sa condo ay nagpahinga lamang ako at nagimpake rin ng ilang mga damit na babauinin pauwi sa probinsya.

Nakarinig ako ng katok sa aking pinto, bago bumukas iyon at dumungaw si Keano.

"Talaga bang ngayon kana uuwi?" Tanong niya. Kanina pa niya iyan tinatanong mula pa sa sasakyan pauwi rito.

Pinipilit niyang bukas nalang at baka mapwersa ang paa ko maglakad. Sabi ko ay ayos naman na ang paa ko, kung ipagpapabukas ko pa ang pag-uwi ay iikli lamang ang araw na makakasama ko sina Lolo.

"Oo, Keano. Ayos na ako huwag kana mag-alala sa akin." Sagot ko.

Nakapag-paalam na ako kina Doc Carlos at Ma'am Cassandra na uuwi ako ngayon. Gusto pa nga ni Doc Carlos na ipahatid ako sa kanilang driver ngunit tumanggi ako.

Masyado na silang maraming nagawang pabor sa akin, sobra sobra na iyon. Hindi naman mahirap umuwi sa amin, kaya alam kong magiging maayos ang biyahe ko.

"Uh, if you want pwede kita ihatid." Sabi pa nito. Tuluyan na siyang pumasok at sumandal sa nakabukas na pintuan.

Umiling ako. "Hindi na kailangan, ayos lang ako." Sagot ko. Nang maisarado ko ang aking bag ay tumayo na ako.

Isang backpack lang ang dala ko. Hindi na ako nagdala ng maraming damit dahil may mga naiwan rin naman ako roon. Tapos ay iyong laruan binili ko para kay Lilia, iyon batang anak nina Uncle.

"Okay fine, but let me drive you the bus station. Okay?"

Kumunot ang aking noo sa pamimilit ni Keano. Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya sa harap ko at nagtungo sa kaniyang silid.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now