Chapter 34

756 45 1
                                    

Chapter 34

Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi ako lumabas ng condo ni Allen. Nanatili lamang ako roon. Sinubukan kong maging masigla at kalimutan ang nangyari noong Friday dahil ayokong mahawaan ng lungkot ang mood ng mga taong nasa paligid.

Nang inihatid ako ni Flynn sa condo ni Allen ay naroon si Yuri. Kapwa nag-aalala ang dalawa sa biglaan naming pagkawala. Naguguluhan may ay hindi naman ako binulabog ng tanong ni Yuri nang gabing iyon.

Kinabukasan ay na niya iyon ginawa. Nang pumunta siya sa condo ni Allen ay hindi niya ako tinigilan ng tanong. I told her everything. Wala narin naman point kung magsisinungaling ako.

Pagkatapos kong magkwento ay niyakap niya ako. Nagulat ako roon pero hinayaan ko lang siya.

"Don't you really want to give it a try?" Tanong niya sa akin.

I shook my head. "I don't want. Maraming tao ang pwedeng masaktan. Isa na duon ay si Stella. She really like Keano, and I don't want to hurt her." Sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Yuri. "I think naka move on naman na si Stella kay Kean."

"Kahit na. Hindi ko pa rin kayang sumugal. Ang mga magulang niya ang nagpapa-aral sa akin at malaki ang tiwalang ibinibigay nila sa akin. Ayokong masira iyon at mawala sa akin ang nag-iisang pagkakataon na ibinibigay nila." Mahaba kong paliwanag.

Bukod kay Stella ay sina Doc Carlos at Ma'am Cassandra ang pinaka-inaalala ko at ang scholarship ko. Napaka bait sa akin ng mga magulang ni Keano simula nang dumating ako rito ay wala silang ibang ipinakita kundi kabutihan.

Ayokong isipin nilang inaabuso ko iyon at maging ang anak nila ay gusto kong hingin sa kanila. Natatakot akong kapag nalaman nila ito, baka bawiin nila ang ipinangako nilang pagtulong sa akin, at sa huli ay bumalik ako sa probinsya ng bigo.

It maybe sound selfish, pero iyon ang totoo. Hindi ko kayang biguin ang mga taong umaasa sa akin. Sina Lolo, Auntie, Uncle, Kuya at higit sa lahat ay si Mama na nangarap nito para sa akin. Ayokong dahil sa pansariling kagustuhan ko ay mauwi ang lahat sa wala.

Tinitigan ako ni Yuri ng matagal tapos au bumuntong hininga ito. "If that's what you want. Just so you know, nandito kami ng mga kaibigan mo." Sabi niya. I smiled at nod.

Maybe I was just really lucky to have these amazing people besides me. Hindi lahat ng taong nasa sitwasyon ko ay nakakatagpo ng mga taong lubha silang naiintindihan at tinatanggap.

Muli kong naalala si Janus at ang pinagdaanan nito. The fear of being deny, judge and disappointment from the people surrounds you. It's terrifying and I am so glad na hindi ipinaramdam sa akin iyon ng mga kabigan ko. Pagkatpos kong sabihin sa kanila ang lahat.

Never naman akong nagdalawang isip sa kasarian ko noon. Hindi kailanman pa ako na-attract sa kapwa ko lalaki. I had a girl crush back in high school pero hanggang duon lang iyon dahil ang priority ko ay ang pag-aaral ay hindi ko pa kayang makipag commit.

Katulad ng sinabi ko noon, I don't know how and when did it happen. Basta isang araw, inamin ko nalang sa sarili kong mahal ko na si Keano.

Maybe that's the magic of love, I guess? Dadating nalang basta. Kung kailan hindi mo inaasahan at sa taong kahit kailan hindi mo naisip na mamahalin mo. It's just sad that. that magic sometimes could hurt you and you can't do nothing about it.

Dumating ang sumunod na linggo. Hindi ko parin binubuksan ang phone ko dahil baka hindi na naman ako tantanan ni Keano sa kakatawag.

Noong isang gabi ay sinabi sa akin ni Allen na kinulit siya nito sa kanilang training at hinahanap ako. Muntik na raw silang mag-away dahil ayaw niyang ibigay ang andress niya rito. Mabuti nalang raw ay napigil sila ng mga kasamahan nila.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now