Chapter 62

741 38 11
                                    

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
FINALE

Sa mga nakalipas na linggo ay araw-araw ring nasa ospital si Ma’am Cassandra upang magbantay kay Keano at ibsan ang pangungulila sa anak. Sa gabi ay ako ang pumapalit sa kaniya sa pagbabantay. Sinabi nila sa akin na hindi ko naman kailangan gawin iyon dahil nasa opsital naman si Doc Caspian ngunit sinabi kong ayos lang. Hindi rin naman ako makakatulog sa bahay.

Kahit anong oras ay may tendency na magising si Keano, kaya gusto ko ay hanggat maari ay malapit ako sa kaniya sa oras na magising siya. Gusto kong isa ako sa mga unang taong makita niya sa oras na magising siya.

“Eli, ilang oras ka nalang natutulog? Magpahinga ka naman ng maayos.” Sabi sa akin ni Stella nang puntahan niya ako sa kwarto ni Keano. Hindi niya kasama ngayon si Yuri dahil may ipinapagawa raw sa kaniya ang attending physician niya.

Day off ko ngayon kaya nasa kwarto lamang ako ni Keano maghapon upang bantayan siya. May importante kasing kailangan ayusin sa flower shop niya si Ma’am Cassandra.

Kakatapos ko lang punasan ang mukha ni Keano. Inilagay ko ang bimpo sa palangana at tipid na ngumiti.

“Nagpapahinga ako can’t you see? Ito ang pahinga ko.” Sabi ko tsaka nginitian siya.

Umikot ang kaniyang mata. “Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon, pero you need to take care of yourself too. Paano kung magising si Doc Kean tapos hindi ka niya makilala dahil pumayat kana? Ha?” Sabi niya.

Napatigil ako sa mga huling salitang sinabi niya. ‘Pano kung hindi ka niya makilala..’ Nanumbalik sa akin ang sinabi ni Doctor Hernandez, “May isang bagay pa kayong dapat paghandaan…sa oras na magising si Keano, there’s a high rate of possibility na hindi niya kayo maalala. Sa tindi ng naging head injury niya, malaki ang tyansang magkaroon siya ng memory lost…”

This is the reason why I always wanted to be with him. Natatakot ako na baka sa oras na magising siya ay hindi na niya ako maalala. Na baka makalimutan niya na ako…naiisip ko palang nasasaktan na ako.

“Eli? Omg, are you crying?” Lumapit sa akin si Stella at kaagad na hinagod ang aking likod. “Oh my gosh! Did I say something wrong? Nairita ka na ba sa akin?” Tarantang tanong niya.

Bahagya akong natawa. Pinahid ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata tapos ay umiling.

“Hindi…may naalala lang ako…” Sagot ko. Huminga ako ng malalim. Inabot ko ang kamay ni Keano tapos ay marahan siyong pinisil. “What if…hindi nga niya ako makilala sa oras na magising siya? What if…makalimutan niya ako? Anong gagawin ko?” Naluluhang tanong ko kay Stella.

“Ano ka ba, joke lang yung sinabi ko, no! Imposible naman iyan mangyari…pwedeng makalimutan ni Keano ang iba pero sigurado akong hindi niya makakalimutan ang nag-iisang taong mahal na mahal niya.” Sagot ni Stella.

Mapait akong napangiti. “Pero wala akong ibang ginawa kundi saktan siya…marahil kung ako ang nasa kalagayan niya…mas pipiliin ko nalang na kalimutan at hindi na maalala pa ang taong iyon…” Muling tumagas ng mga luha sa aking mga mata. Masakit man isipin ngunit kung iyon ang mas makakabuti kay Keano sa oras na magising siya ay tatanggapin ko. Kung makakalimutan niya ako, kasama ng lahat ng sakit na ibinigay ko sa kaniya ay tatanggapin ko iyon ng buong-buo. Kung iyon ang tanging paraan upang makalaya siya sa masakit naming sitwasyon.

“Eli, don’t say that. Hindi ka niya makakalimutan okay? Tahan na, hindi niya gugustuhing makita kang ganyan parati.” Pag-aalo sa akin ni Stella.

Kahit ilang beses kong tanggalin sa isipan ko ang bagay na iyon ay hindi ko magawa. Malaki ang posibilidad na iyon ang maging reyalidad namin sa oras na magising si Keano. Ang makalimutan niya ako at hindi na maalala pa kahit kailan.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now