Chapter 39

725 37 0
                                    

Chapter 39

"Can you say it again?"

Kumunot ang noo nang muling sabihin iyon ni Keano. Nasa kusina kami at kumakain ng dinner. Halos lagpas alas-onse na nang gabi.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Yung sinabi mo kay Jasmine. Say it again, I want to hear it again." Sabi niya.

Naikukwento ko kasi sa kaniya ang nangyaring pag-uusap namin ni Jasmine kanina.

"Alin don? Yung sorry?" Kunwaring hindi ko alam ang kaniyang tinutukoy.

"Nah. Not that one. Yung 'mahal na mahal ko rin siya tulad mo'." Pinalambing niya pa ang kaniyang boses nang gayahin ang aking sinabi.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa hiya. Pinagsisihan kong sinabi ko pa iyon sa kaniya! Ngayon ay ayaw na niya akong tigilan!

"Ayan ah, kabisado mo na. Tsk. Pinapaulit mo pa sakin." Sabi ko.

Tumayo ako at kinuha ang kaniyang plato saka dinala iyon sa sink upang hugasan.

"Sabihin mo na kasi. Isa nalang gusto ko lang ulit marinig na galing sayo." Pangungulit niya.

Humarap ako sa kaniya. Muntik pa akong mauntog sa kaniyang ilong dahil nasa likuran ko na pala siya. Bahagya siyang nakayukod kaya magkapantay ang aming mukha.

Bumuntong hininga ako.

"Mahal na mahal ko rin siya tulad mo." Sabi ko sa marahang tinig.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. Mabilis niyang sinarado ang distansya ng aming mga labi. Wala naman akong nagawa kundi ang tumugon roon.

"Bumalik kana rito, Eli." Sabi niya ng putulin niya ang halik.

Natawa ako at marahang umiling. "No." Pagbibiro ko sa kaniya. Bahagya ko siyang tinulak at saka bumalik sa pagkakaharap sa sink upang hugasan na ang mga plato.

Naramdaman ko ang pagyakap nito mula sa aking likuran. Sinadal niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

"Tsk. Bakit ba ayaw mo?" Tanong niya.

Saglit akong napatigil. "Uh, wala lang. Ayoko lang magsawa sa mukha mo, baka kung araw-araw kitang makita ay magsawa ako kaagad sa'yo." Pabiro kong sagot.

"WHAT? Oh no baby, hindi iyon mangyayari. Sa mukha ko pa ikaw magsasawa? Sa gwapo kong to'?"

Bahagya kong inuntog ang ulo ko sa ulo niya. "Ang yabang! Tsk." Asik ko sa kaniya. Marahan siyang tumawa at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa aking baywang.

"Totoo naman e." Sabi niya pa. Hindi na ako sumagot at napailing nalang.

Namayani ang katahimikan sa buong kusina at tanging ang tunog ng tubig mula sa faucet at mga tunog ng mga hinuhugasan ko ang maririnig.

Ilang sandal pa ay nakarinig ako ng marahang pag-hum mula kay Keano. The next thing I knew, we're slowly swaying together with the rhythm he started to play.

"Thank God, I found you." Malambing niyang bulong sa aking tainga.

I smiled.

Humarap ako sa kaniya at hinagkan ang kaniyang mukha.

"I'm so thankful too."

God knows how I am thankful that I found him. Hindi man tama sa mata ng iba ang relasyong mayroon kami wala na akong pakealam. Mahal ko siya at iyon ang na muna ang iisipin ko sa ngayon.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon