Chapter 60

748 38 3
                                    

Chapter 60

Few days after, Tito Fredrick was discharged from hospital. Sinabi ni Flynn na hindi na rin natuloy ang kasong gustong isampa sa kaniya dahil napatunayan na inosente siya sa investment fraud na nangyari.

Ngunit kahit na nakalabas na si Tito Fredrick sa ospital ay hindi pa rin ito pinayagan ni Flynn na bumalik sa kompanya upang mas makabawi ito ng lakas. Kaya si Flynn pa rin ang tumatayong pansamantalang CEO ng kanilang kompanya at nagre-resolba ng problema.

Sobrang naging busy siya this past few days sa mga meetings. They are looking for possible investors para muling maibangong ang kanilang kompanya at upang maituloy ang nadelay na launching ng bago nilang hotel.

“Thank you for coming over, Eli.” Sabi ni Tita Karen. Day off ko ngayong araw at naisipan kong bisitahin sila. Nasa school si Francis, habang nasa out of town meeting naman si Flynn.

Dahil busy sa ospital ay miminsan nalang ako makadalaw sa bahay nina Flynn. Maayos na si Tito Fredrick ngayon, hindi na siya naka wheel chair gaya noong unang paglabas niya sa ospital. He’s actually been working from home right now, dahil ngayon ayaw pa ni Flynn papasukin ito sa kompanya.

Nasa kusina kami ni Tita Karen at nagpre-prepare ng lunch. Tinutulungan ko siyang maluto.

“Wala po yun. Pasenya na po, madalang lang ako makabisita.” Sabi ko.

“I understand. How’s the hospital anyway, are you enjoying your work?” Tanong niya.

Tumango ako. “Opo. Medyo nakakapagod pero, worth it naman lalo na kapag nakikita mong masaya at gumagaling ang mga inaalagaan mong pasiyente.” Sagot ko. Nakita kong bumakas ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Bakit po Tita?” Tanong ko nang malungkot itong bumuntong hininga.

“I was just thinking about Flynn. Kinakilangan niyang talikuran ang bagay na gusto niya upang matulungan kaming isalba ang kompanya. Imbes na nasa ospital siya at tumutulong manggamot ng mga pasiyente ay kung saan-saang meeting siya uma-attend para lang makahanap ng investors…” Bakas ang labis na lungkot sa boses ni Tita Karen. Nakita ko pa ang luhang nabubuo sa kaniyang mga mata. “He’s been working so hard para maisalba ang kompanya, maging ikaw ay halos hindi na niya makita ngayon.” Dagdag pa nito.

Ngumiti ako. “Ginagawa po ni Flynn iyon, dahil mahal na mahal niya kayo. Ayaw niyang mawala ang kompanyang pinaghirapang itayo ni Tito Fredrick at naiintidihan ko po. If I were him, I’ll do the same too…tsaka ang sabi niya naman po babalik rin siya ng ospital kapag naging stable na ulit ang kompanya. So huwag nap o kayong mag-alala.” Sabi ko.

It true, this past few months madalang nalang kami magkita ni Flynn. Kung wala siyang out of town meeting, ay nagagawa naman niya akong ihatid sa ospital bago siya pumasok sa opisina. ‘Yon nga lang ay hindi na niya ako nasusundo. Hindi naman iyon big deal sa akin dahil naiintidihan ko naman ang sitwasyon niya.

Lumipas pa ang mga ilang linggong nanatiling ganun ang set-up naming dalawa. Ngunit hindi man niya ako naihahatid o nasusundo sa gabi, he still manage to make me smile every day. Nagpapadala siya ng bulaklak o hindi kaya ay pagkain sa ospital. Isang bagay na labis na ikina-kainggitan nina Stella at Yuri maging ng ibang residenteng kasamahan namin dahil mas mahaba pa raw ang buhok kaysa sa kanila sa ginagawa ni Flynn sa akin.

Lahat ng doctor na kasamahan ko ay lagi ang tukso sa akin sa tuwing makakatanggap ako ng delivery galing kay Flynn…isa lamang ang hindi nagiging masaya roon, si Keano. Sa tuwing magkikita kami at makikita niya akong may hawak na bulaklak ay sobrang sama ng tingin niya sa akin.

Minsan nang nag-aasaran kaming magkakasamahan sa doctors lounge ay dumating siya at pinukol kami ng masama at nagbabaga niyang tingin. Kung nakakapaso lamang iyon ay malamang nasunog kaming lahat roon.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now