Chapter 20

904 44 1
                                    

Chapter 20




Hindi ko alam paano haharap kay Keano kinabukasan nang gabing iyon. Sigurado akong nawirduhan siya sa inakto ko nang gabing iyon.

Sino ba namang hindi? Kabod ko nalang siya tinulak at mabilis na pumasok sa aking silid. Tsk.


Alinlangan man ay maaga pa rin ako gumising para maghanda ng almusal para sa aming dalawa. Tinanggal ko sa isipan ko ang lahat ng bagay na hindi ko dapat iniisip at umaktong normal sa harapan niya nag lumabas na siya sa kaniyang silid.


"Good morning, ayos ka na ba?" Tanong niya nang makaupo sa mesa.


"Huh? Ayos naman ako." Sagot ko.


Ngumuso ito at parang nagiisip. "Ah, akala ko may nangyari sa iyo kagabi. But anyways, sana hindi mo makalimutan tinuro ko sa 'yo." Sabi niya saka ngumisi. Natawa nalang rin ako.


"Salamat pala ulit." Sabi ko bago nagsimulang kumain.


Mukang wala lang naman sa kaniya ang nangyari kagabi kaya hindi ko na rin masyadong inisip pa iyon.




Ngunit hindi sa mga nakalipas na araw, ngayon ay nagsisimula na akong makaramdam ng pagkailang kay Keano sa tuwing tinitingnan niya ako. Hindi ko alam kung bakit, kaya naman nagiiwas nalang ako o hindi kaya'y hindi ko siya sinusulyapan hanggang sa maari.




Natapos ang performance task namin sa PE. Laking pasasalamat ko at nairaos ko ng maayos ang performance. May mga minor mistakes pero hindi na kagaya noong una na natatapakan ko partner ko o natatalisod ako sa sarili kong paa.




"Wow nag-practice ah." Sabi ni Yuri.


Natawa ako. "Hindi naman gaano." Sabi ko.




Sinunod ko lang ang sabi ni Keano sa akin noong gabing tinuruan niya ako. Relaxed and let yourself move. Hindi ko rin hinayaang mawala sa isip ko ang mga steps at timing ng musika.




Dahil midterm na ay nagsimula na ring magbigay ng final requirements ang mga professor. Hindi na kami gaanong nagkikita ni Keano dahil pareho na kaming busy.




Maging sa hapunan ay hindi na kami nagsasabay dahil napapadalas ang pag o-overnight namin sa condo ni Yuri para sa group project ng isang major subject namin.




Sa umaga nalang kami halos nagkikita.


Akala ko sa hindi namin pagkikita sa mga nakalipas na araw ay mawawala ang pagkailang na nararamadaman ko sa kaniya ngunit hindi.


Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula itong kakaibang pakiramdam sa loob. Hindi ako sigurado kung ano ito, pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na ito.


Sabado nang umaga nag text si ate Aila sa akin na hindi siya makakapunta sa condo dahil may sakit si Manang. Sabi ko ay walang problema at ako na ang gagawa ng mga gawain rito, wala naman akong assignment at pwedeng mamayang gabi nalang ako mag aral.


Malinis naman ang condo at kaunting linis lamang. Iyon ang ginawa ko pagkatapos kong makapag luto ng almusal. Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi lumalabas si Keano sa kwarto niya.




Wala ba siyang training?




Kumatok ako ng tatlong beses dahil kukuhanin ko ang mga marumi niyang damit upang malabhan. Iyon lang naman ang pinaka gagawin ko tsaka mag plantsa ng kaniyang uniform.




Kakatok pa sana ako ng isa pang beses nang bumukas na ito. Tumambad sa akin ang pupungas-pungas pang si Keano. Gulo-gulo pa ang buhok halatang kakagising lang. Wala siyang damit at tanging sweat pants lamang ang kaniyang suot.




The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now