Chapter 61

714 41 9
                                    

Chapter 61

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi matapos ang naging pagtatalo namin ni Keano sa daan kanina. Hindi ako sa bahay umuwi kundi sa condo ni Flynn. Iniwan niya sa akin ang susi nito at sinabi niyang pwede akong dito umuwi kung gusto ko dahil mas malapit ito sa ospital kaysa sa bahay.

Isa pa, ayoko rin na makita nina Lolo ang luhaan ko na namang mukha dahil paniguradong mag-aalala na naman ang mga iyon. Tinext ko nalang silang sa condo ako ni Flynn magpapalipas ng gabi dahil maaga ang duty ko bukas at medyo pagod na ako para bumiyahe pa.

Buong gabi ay wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak. Paulit-ulit sa aking isipan ang mga sinabi ni Keano kanina, ang pagsusumamo at pagmamaka-awa niya sa akin. Ang sakit sa kaniyang mga mata ay minumulto ang aking isipan sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.

Aaminin ko kanina ay gustong-gusto ko nang pumayag na talikuran ang lahat at piliin siya. Gustong-gusto kong maging madamot at pagbigyan ang aming sarili.

Ngunit hindi deserve ni Flynn ang masaktan. After everything he did for me, sobrang sama ko naman kung bigla ko nalang siyang iiwanan sa ere. Lalo na ngayon na may kinahaharap siyang malaking problema.

Sobrang nadudurog ang puso ko makita si Keano na umiiyak at nasasaktan pero wala akong magawa. I couldn’t save him neither myself from this pain and misery.

Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na lamang ang pag-iyak.

Nagising ako sa pagtunog ng aking cellphone. Hahayaan ko nalamang sana ito sa pagtunog dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko at tila wala akong lakas upang gumalaw dahil wala rin akong kinain nang gabing iyon.

Namatay iyon, ngunit muling tumunog kaya naman kahit diko maidilat ang aking mga mata ay pinilit kong sagutin iyon. Marahil ay si Flynn ito. Sinabi niya kanina na tatawag siya matapos ang meeting niya.

“Flynn?” Pikit mata kong salubong sa taong nasa kabilang linya.

Ilang segundo ang lumipas nang walang nagsalita. Ilang malalim na buntong hininga lamang ang aking narinig sa kabilang linya.

“Flynn ikaw ba ‘yan?” Tanong ko muli tsaka sinikap idilat ang aking mga mata upang tingnan ang pangalan ng taong aking kausap.

“Eli, it’s me... Caspian.” Kumunot ang aking noo nang madinig ang boses ni Kuya Caspian.

Chineck ko pa ang caller ID nito upang makasigurong tama ang aking nadinig.

“D…doc Caspian? Bakit kayo napatawag?” Takhang tanong ko. Napapikit ako ng mariin nang kumirot ang aking ulo sa biglaang pagbangon nang makita ang nakarehistrong pangalan ni Doc Caspian sa caller ID. Nakita ko ang oras sa aking cellphone, it’s already 3 AM. Ano naman kayang kailangan niya sa akin?

“Eli…si Keano…something bad happened to him.” Binundol ng malakas na kaba ang aking dibdib nang marinig ang sinabi ni Doc Caspian.

“A-anong nangyari sa kaniya?” Nanginig ang aking boses sa pagtatanong.

“Naaksidente siya. Nasa operating room siya ngayon…Eli…you should come here.” Rinig ko ang sakit at pagkabasag sa boses ni Doc Caspian. Sa puntong iyon pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng sariling pag-iisip. Ang tono ng boses ni Doc Caspian ay mas lalong nagpatindi sa aking kaba.

Nanginig ang aking buong katawan. Ang aking tuhod ay tila nanghihina. Nadapa pa ako nang bigla akong tumayo sa kama. Gusto kong magmura dahil sa pisikal na sakit ngunit hindi ko magawa dahil sobra-sobra na ang emosyonal na sakit na aking nararamdaman sa mga oras na iyon.

Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa salamin o magpalit ng damit. Kaagad akong lumabas ng condo at bumaba ng building upang pumunta ng ospital. Walang ibang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na iyon kundi si Keano.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now