Chapter 49

604 32 0
                                    

Chapter 49

Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Pilit kong kinipkip sa aking sarili ang mga hikbing nais kumawala sa akin at pinilit kong patigilin ang mga luhang walang tigil sa pag-alpas.

Inaasahan ko na ito. Pero iba pa rin pala talaga kapag sa kaniya mismo galing ang sagot. Iba yung sakit. Nakakamanhid at nakakapanghina.

"S-so, a-ano...k-kayo na ba ulit? N-nagkabalikan na ba kayo?" Tanong ko.

"What? No! No- Eli, hindi!" Tarantang sagot niya.

Naglakad siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat.

"Eli, mali ka ng iniisip. Hindi kami nagkabalikan, okay?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin bago muling nagsalita.

"S-sofia is sick. She has a leukemia, stage 2. Her mom called me, when I was in a training camp. She told me Sofia's condition, and the real reason why she left me." Sabi niya.

Napatigil ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. She's sick? Leukemia? Pakiramdam ko ay tumigil sa pagfunction ang aking isip. I want to think it's just an excuse but that's absurd. Hindi rin magagawa ni Keano ang magsinungaling ng ganitong bagay.

Marahan siyang tumango at naglakad paalis sa harapan ko. Naupo siya sa sofa at pinagsaklob ang dalawang kamay sa kaniyang mga tuhod.

"Nagpunta silang New York, para magpagamot. Pero masyadong mahina ang katawan ni Sofia at lumalala ang sakit niya. The only way that could help her to survive is the bone marrow transplant, but they still haven't found any match donor for her. So she's doing chemotherapy, but lately she refused to continue her therapy. She's losing hope. That's why her mother asked if I can talk to her and pursue her to continue the therapy." Inihilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. I can see too much frustrations in his eyes.

"Why didn't you tell me? Bakit kinailangan mo pang itago sa akin iyon?" Huminahon na ang aking boses. Kung sinabi niya sa akin ang totoong dahilan ay maiintindihan ko. Hindi sana ako mag-iisip ng kung anu-ano.

"Because I wanted to tell personally. Ayokong sabihin sa'yo habang nasa malayo ako. I don't want you to overthink." Sagot niya.

Kumunot ang aking noo. "What? Do you think I wouldn't understand don't you?"

Nagtiim bangang siya. "I'm sorry...natakot lang akong pag-awayan natin si Sofia..." Sumandal siya sa sandalan ng sofa at bumuga ng hangin. "Ayokong pagmulan natin ng hindi pagkakaintindihan ang bagay na ito dahil natatakot ako. Natatakot akong maging dahilan iyon ng pagkasira natin...dahil kahit hindi mo sakin sabihin, I can feel it, you still have doubts in this relationship. Hindi mo lang pansin pero nakikita ko." Tinitigan niya ako sa mga mata.

"And it scares me, Eli."

Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Ako? May doubts sa relasyon na 'to? Hindi ko alam.

"Sasabihin ko rin sa'yo, naghahanap lang ako ng tamang pag-kakataon."

"Kailan ang tamang pagkakataon? Pati yung pagleave mo sa training, kailan mo balak sabihin sa akin?" Nanginig ang aking boses.

"Ipagtatapat ko rin sa'yo. And I'm planning to bring you to her. Because she wanted to meet you...but she's been experiencing hard times lately. Sobra akong nilamon ng pag-aalala para sa kaniya. I'm sorry." Puno ng sinseridad ang kaniyang boses.

Kita ko ang labis na pagod sa kaniyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil mukhang nakadagdag pa ako sa pagbibigay sa kaniya ng pagod sa isang araw kong pagkawala kahapon.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now