Chapter 11

864 44 0
                                    

Chapter 11



"Please, Eli help meee?"

Simula nang malaman niyang nakatira kami sa iisang condo ni Keano ay kinukulit na ako ni Stella na tulungan siyang makipag lapit kay Keano.

Hindi naman ako maka-oo dahil hindi ko naman alam kung paano. Isa pa, base sa sinabi ni Maico kanina na kahit anong gawin ni Stella, walang saysay dahil nasa isang tao pa rin ang atensiyon ni Keano.

Iyon ay walang iba kundi ang ex-girlfriend nitong si Sofia. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang kwento nilang dalawa na labis na bumubuhay sa aking kuryosidad ngayon.

"Stella, uh hindi ko alam paano ka tutulungan." Nagaalinlangang sabi ko.

"Stop it, Stella. Huwag mong harasin si Eli." Pambabawal naman ni Maico sa kaibigan.

"Tsk. Don't be dramatic, Maico!" Sita nito sa kaibigan. Muli siyang humarap sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya pa iyon.


"I know what I'm asking is too much, but please Eli help me? Isang chance lang. Gusto ko lang subukan lahat ng pwede kong gawin para mapansin niya ko, dahil ayokong magkaroon ng regrets sa huli." Mahabang sabi ni Stella. Kita ko ang pinaghalong determinasyon at desperasyon sa kaniyang mga mata.


Napawang ang aking bibig. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kitang kita kong gustong-gusto niya si Keano, at gusto ko siyang tulungan ngunit paano?


Oo, medyo malapit na kami ni Keano sa isat-isa ngunit hindi naman sapat ang pagiging malapit namin na iyon upang panghimasukan ko ang personal niyang buhay.


Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko ang pagakbay ng isang braso sa aking balikat at ang bahagyang paghitak nito sa akin.


"That's enough. May klase pa kami." Si Flynn iyon.


Hindi na nakasagot si Stella dahil hinitak na ako ni Flynn palayo sa kanila. May dalawa kaming subject na kami lamang dalawa ni Flynn ang magkaklase dahil naibang schedule ang tatlo.


"Salamat, Flynn."

Nasa classroom na kami nang inalis niya ang pagkaka-akbay ng kaniyang kamay sa aking balikat.


"Huwag mo nalang pansinin si Stella. She's obsessed." Sabi nito. Bahagya pa nitong tinapik ang aking pisngi at ngumisi bago pumunta sa kaniyang upuan.


Sinundan ko nalamang siya at naupo ako sa tabi niya.


Nais ko sanang sundin ang sinabi ni Flynn na huwag nalang pansinin ang sinabi ni Stella ngunit hindi maalis sa isip ko ang mukha niyang nagmama-kaawa sa akin kanina. Gustong-gusto niya talaga si Keano.


Buong hapon nang araw na iyon ay paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko si Stella. Kahit na dalawang araw palang kami nagkakakilala, alam kong mabait siya kaya gusto ko siyang pagbigyan sa tulong na hinihingi niya.


I want to help her, but I don't know how.


Hindi kami sabay ni Keano umuwi nang hapon na iyon dahil may training raw ito. Kay Kenny niya ako pinasabay para raw hindi ko na siya intayin.


"Kenny."


Mula sa kalsada ay saglit na sumulyap sa akin si Kenny.

"Hmm?"

"May itatanong sana ako pwede ba?'


Alinlangan kong tanong sa kaniya. Kanina ko pa ito pinagiisipan. Gusto kong tulungan si Stella, pero una dapat ko munang malaman ang estado ni Keano ngayon.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now