Kean Anthony Leondones

851 41 1
                                    

KEAN ANTHOY LEONDONES

"Congratulations, babe!"

Salubong sa akin ng maganda kong girlfriend pagkatapos kong makuha ang una kong gold medal bilang swimmer. Mahigpit niya akong niyakap tsaka hinalikan sa pisngi.

"Aww, sa pisngi lang ang kiss ko?" Pagpa-pacute ko sa kaniya tsaka lumabi.

Humalakhak siya at pinisil ang aking pisngi pagkuway mabilis niya akong dinampian ng halik sa akin labi tsaka mabilis na tumakbo. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil duon.

"Tsk. Make sure, na hindi kita mahuhuli dahil kapag nahuli kita humanda sakin 'yan labi mo." Sabi ko sa kaniya na ikinahalakhak lamang niya.

Sofia is my first love. Unang kita ko palang sa kaniya, alam kong siya na ang babaeng mamahalin ko at gusto kong makasama habang buhay. Siguro nakakatawa 'yun kung iisipin dahil high school palang kami noong una kaming magkita.

Maganda, matalino, malambing, at sobrang mapagmahal si Sofia. Lahat ata ng magandang quality ng isang babae nasa kaniya na. Kaya ipinangako ko sa sarili ko, hinding-hindi ko na siya papakawalan. Siya na ang babaeng ihaharap ko sa altar balang araw.

Ang dami kong pangarap na gustong buoin para sa aming dalawa. Ang dami kong planong gustong gawin naming dalawa...mga lugar na puntahan...mga bagay na gustong maranasan...kasama siya.

Ngunit lahat ng iyon, ay biglang gumuho nalang isang araw. Nang iwan niya ako ng walang paalam...ng walang dahilan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

Araw-araw akong bumabalik-balik sa kanila nagbabakasakaling makikita ko siya roon o malalaman ko kung nasaan siya ngunit wala sa mga kasambahay nila ang nagsabi sa akin kung saan talaga ito nagpunta.

Halos masiraan ako ng ulo sa bawat araw na lumilipas sa paghahanap sa kaniya. Maging ang mga kaibigan niya ay palagi kong binubulabog upang itanong kung nasaan siya.

Napag-alaman kong nasa New York raw siya kaya naman walang pag-aalinlangan akong kaagad nagpunta roon. Binaliwala ko ang pagpigil sa akin nina Mommy, ng mga kaibigan ko at ng Coach ko. I ditch one of my game para lamang hanapin siya.

But I didn't find her. Kahit saan sa New York. Umuwi akong bigo at wasak na wasak dahil duon. Parang biglang nawalan ng patutunguhan ang buhay ko nang mawala si Sofia. Nawalan ako ng gana sa lahat maging sa pag-aaral ko at sa passion ko sa paglangoy.

I became alcoholic. Halos maibagsak ko lahat ng subject ko dahil sa laging pag liban roon. My life was a messed that time. I don't know how to get myself back again. Then my mom asked me to undergo a treatment.

I become better, but there are times na naalala ko pa rin si Sofia at nalulunod pa rin ako sa matinding kalungkutan.

But then one day everything suddenly change. When I met him. That guy who have an innocent look on his eyes. That guy who always have the most beautiful and bright smile I have ever since. The guy who have the most alluring laughter I have ever heard. I don't know but I feel like I was enchanted by his innocent look, every time I look at him.

Wala sa plano ko ang mapalapit sa kaniya o ang makilala siya lalong-lalo na ang mahulog ang loob ko sa kaniya. Dahil kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na magkakagusto ako sa kapwa ko lalaki.

Hanggang sa makilala ko siya.

"Ethan Lionel Cuevas, huh?" Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga files niyang nakita ko sa table ni Daddy.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon