Chapter 06

894 46 0
                                    

Chapter 06

No big deal  


"Sige po, Lo, mag iingat po kayo 'dyan. Paalam na po."


[Ikaw ang mag-ingat riyan apo. Sige na at nang makapag pahinga kana rin.]




Tinawagan ko sina Lolo upang ipaalam na nakapag exam na ako ngayong araw. Tuwang-tuwa sila nang malaman iyon, sinabi kong huwag muna at exam palang naman iyon wala pa ang resulta. Sabi lamang nila ay, kahit ano pa iyon, ay dapat pa rin itong ipagpasalamat.




Hindi naiwasang manggilid ng luha ko dahil sa suportang kanilang ibinibigay sa akin. Kahit milya-milya ang layo nila sa akin ay ramdam kong kasama ko sila sa bawat araw ko rito sa Maynila.


"Eli,"


Mabilis kong inayos ang aking mukha nang tawagin ako ni Keano, bago siya harapin. Kakalabas palang niya ng kaniyang silid bagong paligo.


Baka isipin nito ay ang drama kong tao.


"Hmm?"




May inabot siyang damit. Kinuha koi yon kaagad.


"Iyan na ang pinaka maliit na size ng damit ko, tingin ko kasya na sa iyo 'yan." Sabi niya.


"Salamat. Sige maliligo na ako." Sabi ko. Tumango siya at lumihis ng daan.


"Sa cr ng kwarto ko na ikaw na maligo, naduon lahat ng gamit."


Tumango ako at pumasok na sa kaniyang kwarto.


Lamig ang unang sumalubong sa akin pagpasok ko. Katulad ng sa sala, black, white at gray rin ang dominanteng kulay sa kaniyang silid. Malinis ang buong silid, organize ang lahat ng gamit at higit sa lahat ay mabango. Amoy Keano, actually.


Dumiretso ako sa cr para makaligo na. Binilisan ko lamang ang pagligo. Pagkatos ay sinuot ko ang damit na binigay ni Keano. Medyo malaki ang t-shirt at ang sweatpants pero pwede na rin, wala naman akong rapatang mag inarte.


Pagkaligo ko ay nagsabi ako sa kaniyang mauuna na akong matulog dahil talagang inaantok na ako. Siya naman ay nanood pa ng pelikula sa sala.


Nang makahiga ako at maipikit ko ang aking mga mata ay naging tuloy tuloy na ang pagtulog ko. Dahil siguro sa pagod ng maghapon.


Hating gabi nang maalimpunatan ako.


May naramdaman akong mabigat na nakadantay sa aking binti at tiyan. Mayroon rin akong nararamdamang mainit na hanging umiihip sa may bandang leeg ko.


Bahagya akong gumalaw para sana alisin iyon ngunit hindi ako nagtagumpay bagkus ay mas lalo pang humigpit ang pagpulupot ng bagay na iyon sa aking katawan.


Dahil sa iritasyon ay iminulat ko ang aking mata. Gayun nalang ang pagkagulat ko nang sumalubong sa akin ang mukha ni Keano.


Muntik ko na siyang maitulak mabuti nalang ay naigilan ko ang aking sarili. Braso niya pala ang nakapulupot sa aking tiyan at binti niya ang nakadagan sa aking binti.


"Anak ka ng- aish."


Maingat kong inalis ang kaniyang braso sa pagkakapulupot sa aking tiya. Sunod ay ang kaniyang binti. Maingat at siniguro kong hindi siya magigising. Mabuti naman at hindi ako nahirapang gawin iyon.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now