Chapter 44

640 32 0
                                    

Chapter 44



That night is like a dream. Masaya kaming nagkwentuhan habang pinagsasaluhang ang masarap na pagkain sa mesa na ipinahanda niya. Nahihiya pa nga ako dahil sobrang out of place ng suot kong t-shirt at pants sa ganda at elegante ng lugar na ito.

Nasa isang mamahaling country club pala kami rito sa Tagaytay kung saan miyembro ang pamilya nila. Nanlaki pa ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Sobra-sobrang effort at gastos naman ito. First month palang ang cine-celebrate namin at hindi pa anniversary!

Sinabi lang niya na nagpalaam naman raw siya sa magulang niya at si Ma'am Cassandra pa raw mismo ang nag-suggest nito. Kinuntsaba niya rin sina Stella kanina para samahan muna akong magpalipas ng oras habang inaasikaso niya ito.

Wala na akong masabi pa sa kaniya. Paano ko naman hindi mamahalin ng sobra-sobra ang lalaking ito? Tsk.

After naming kumain ay niyaya niya akong mag stargazing. Parang ayoko ng matapos ang gabing ito. Gusto kong hilingin na sana tumigil muna kahit panandalian ang oras.

"Thank you Keano. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin." Hinawakan ko ang kamay niya at pinaglaruan iyon.

Nakaupo kami sa isang bench. Kami nalang ang taong naroroon dahil sa malalim na ang gabi. Kanina ay may mga iilang tao pa.

"I should be the one who's saying thank you, Eli. I thought, impossible na ulit akong makatagpo ng taong mamahalin ko." Hinakawan niya ang kamay ko. "But then you came, and just like that you made me fall in love again. You are like a brand new air to breathe, your smiles always chase my dark clouds away. Because of you, I want to be a better person. The person that you deserve." He cupped my face. Sinalubong ko ang kaniyang mga matang tila tumatagos sa aking kaluluwa.

"I love you Eli." Marahan niyang sabi.

I smiled. "I love you too." Balik ko sa kaniya.

He smiled. Unti-unti ay tinawid niya ang distansya ng mga labi naming dalawa. He kissed me so passionately. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa kaniyang bawat halik.

Siya rin ang nagputol ng halik na iyon ng kapusin na kami ng hangin. Natawa nalang kami pareho habang kapwa humihigop ng hangin.

Hinalikan niya ang aking noo.

"Sa tingin ko sa suite na natin ipagpatuloy ito. Bitin pa ako." Bulong niya sa akin saka na niya ako inayang tumayo.

Natawa ako sa kapilyohan niyang sinabi at hinampas siya sa braso. "Napaka bastos mo talaga!"

Ngumisi lamang siya. Inakbayan niya ako at muling hinalikan sa pisngi. "Mahal mo naman." Mayabang niyang sabi saka ngumisi. Umiling nalang ako.

Duon namin sa country club inubos ang isang buong araw kinabukasan. Naroon rin ang mga kabigan niya at kaibigan ko na kasama namin buong araw. Symepre hindi na naman kami nakaligtas ni Keano sa pang-aasar nina Kenny at Dylan.

Mabilis rin natapos ang mga huling araw na natitira para sa semestral break namin at sumapit na ang unang araw para sa ikalawang semestere.

"Flynn!" Tawag ko kay Flynn na naabutan kong nakaupo sa classroom.

Tinanggal nito ang suot niyang earphone. "Hey. How are you?" Bati niya sa akin.

"Okay naman. Teka, bakit hindi ka sumama sa amin na magbakasyon sa Tagaytay?" Tanong ko sa kaniya.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ulit siya matapos yung latern fest. Hindi rin kasi kami nagkita nung enrollment at si Yuri ang nag asikaso ng enrollment niya. May ginawa raw siya noong araw na iyon.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now