Chapter 29

680 39 0
                                    

Chapter 29



Pinilit kong patigilan ang mga luhang walang patid sa pagtulo sa aking mga mata. Labis ang takot na kumakain sa buo kong sistema. Hindi ko alam kung saang direksiyon ng madilim na kalyeng ito ako pupunta.

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko at ang box ng cake para kay Keano. Luminga-linga pa ako sa paligid at nagdadalawang isip alin sa dalawang direksyon at papatunguhan ko.

Kahit di sigurado ay sinundan ko ang direksyong tinungo nung taxing sinakyan ko kanina. Pinahid ko ang mga luha ko habang naglalakad. Ngunit kahit anong pigil at pagpapahito ko sa mga ito ay hindi ako nagtagumpay.

Habang naglalakad ay walang patid ang pagdadasal ko n asana lang ay wala nang iba pang mangyaring masama sa akin sa lugar na ito. Ayokong mapahamak pa, hindi lang para sa sarili kundi para rink ay Keano. Ayokong mag-alala pa siya at labis na ma-guilty sa kung anong pwedeng mangyari sa akin.

Ngunit hindi yata pabor sa akin ang pagkakataon ngayon. Dahil may mga nakasalubong akong apat na kalalakihan at mukhang mga lasing sila base sa pagewang-gewang nilang lakad.

Lumunok ako sa takot nang marinig ang tawanan nila nang may ibinulong ang isa sakanila. Balak kong huwag n asana silang intindihin ngunit huminto sila sa harapan ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang palibutan nila ako. Nanginig sa takot kaagad ang buong katawan ko.

"Saan ang punto mo bata?" Tanung nung isang lalaki sa akin.

Halos mapangiwi ako nang maamoy ko ang mabahong among ng alak mula sa kanila.

"Uh- ano po..uuwi na po." Sinubukan kong huwag mangatal sa pagsasalita ngunit sadyang hindi nakisama ang aking dila hatid ng takot.

"Saan ba bahay mo at ihatid ka na namin?" Segunda naman nung isa. Napahakbang ako paantras nang lumapit sa akin iyong isa pa. Tapos ay tinangka ako nitong hawakan sa balikat ngunit umiwas ako.

"Pretty boy, ang bango!" Halakhak nung lumapit. Nagtawanan silang lahat na lalong nagpakaba sa akin.

"Sige po...una na po ako." Sabi ko saka tinangka sanang lagpasan sila ngunit humarang sila sa aking daan.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may umakbay sa akin mula sa likuran. Napahigit ang hawak ko sa box ng cake at hindi nakagalaw.

"Ihatid ka namin pretty boy! O kaya ay sa bahay ko nalang ikaw matulog, mage-enjoy ka dun!" Sabi nung umakbay sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Shit! Ang lalaking tao pero wala akong magawa kundi ang umiyak. Napaka layo ng laki ng katawan nilang apat sa laki ng katawan ko. Baka bago ko pa matangkang suntikin ang isa sa kanila ay tulog na ako.

"K..kuya uuwi na po ako bitawan niyo po ako." Magalang kong sagot sa pagitan ng pagtulo ng luha ko. Nagtawanan sila tapos ay may nagtangkang humawak sa mukha ko ngunit umiwas ako. "Bakit ka naman umiiyak pretty boy? Wala pa tayong gigawa." Sabi niya.

Sa mga oras na iyon, nawawalan na ako ng pag-asang maayos na makakauwi kay Keano. Napaka dilim sa lugar na iyon at wala akong makitang pag-asang may tutulong sa akin.

Pero ang pag-asang unti-unting nawawala ay muling umapoy nang may marinig akong tunog ng mabilis na motor siklong patungo sa amin. Nakita ko ang ilaw nito mula sa likuran kaya mabilis akong pumalag sa pagkakaakbay nung isang lalaki at nagtatakbo pasalubong dun sa motor.

Halos masilaw ako sa kaniyang ilaw. Nang malapit na ito ay mabilis itong huminto pago pa ako nito pabangga kaya gumawa iyon ng malakas na ingay sa tahimik na kalye.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now