Chapter 37

753 43 4
                                    

Chapter 37

"Where do you want to go?"

Masiglang tanong sa akin ni Keano nang makasakay kami sa kotse niya. Sinulyapan ko siya. Napaka-aliwalas ng kaniyang mukha, dahil sa malawak na ngiting nakapaskil roon.

"K-kahit saan. "

Walang gana kong sagot. Ayoko namang sumama talaga sa date na itong sinasabi niya, sapilitan lang ito.

Bumuntong hininga ito.

"Eli, I want to make it work for the both of us." Mababa ang kaniyang boses. Nahimigan ko ang desperasyon at frustration sa kaniyang boses.

Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil pakiramdam ko ay masyado ko siyang pinapahirapan. Napabuga ako ng hangin.

"S-sa M-mall nalang." Sabi ko. Hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Okay then, sa mall tayo."

Wala kaming usapan sa sasakyan habang tinatahak namin ang patungong mall. Nang makarating kami roon ay duon ko lang naalalang ayaw nga pala ni Keano sa mga mataong lugar gaya nito, kaya bigla akong nag-alangan.

"What's wrong?"

Tanong niya nang alangan akong bumaba ng kotse. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

"I just remembered, Mang told me you don't like malls. Uh- okay lang kung sa iba nalang tayo." Sagot ko sa kaniya.

Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa kaniyang labi. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Marahan niya iyong pinisil.

"Pwede kong gusto lahat ng bagay na ayaw ko kung iyon ang gusto mo." Sabi niya na labis na nagpabaliw sa mga insekto sa aking sikmura.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko kaya napaiwas ako sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa.

"You're blushing." Sabi niya.

Umiwas ako ng mukha saka ngumuso. "I'm not." Pagtanggi ko, kahit alam ko namang tama siya. Mas lalo siyang humalakhak. "Yeah, you are, and it's because of me." Pagpilit niya.

Ngumuso ako at binitawan ang kamay niya. "Psh. Diyan kana nga." Nauna na ako sa kaniyang naglakad palabas ng parking. Narinig ko ang paghalakhak niya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

Muli niyang kinuha ang kamay ko at pinag-intertwined niya ang mga daliri namin. Nanlaki ang mga mata ko at pinilit bawiin ang kamay ko ngunit hindi siya pumayag. Sa halip ay mas hinigpitan lamang niya iyon.

Sumulyap ako sa ilang taong nasa parking na ngayon ay tumitingin sa amin. Nakaramdam ako ng pinaghalong hiya at kaba.

"Don't try. Sa tuwing kakawala ka, mas lalo kong hihigpitan ang hawak 'dyan sige." Banta niya sa akin.

"Keano-"

"Shh. Let's just go, nagugutom na ako." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Wala na akong nagawa nang hitakin na niya ako papasok ng mall. Magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad sa mall kaya hindi namin mapigilang makakuha ng atensyon ng ibang tao.

Lalo nang ibang mga babae na sinusundan ng tingin si Keano. Kapag nakita nila ang magkahawak naming kamay ay sakin naman sila susunod na titingin.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now