Chapter 51

680 44 4
                                    

Chapter 51

Halos isang linggo na ang lumipas nang bumisita kami sa kay Sofia at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga napagusapan namin. Hanggang ngayon pinoproseso parin ng isipan ko ang mga iyon.


"I tried to ask him to marry me."

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ako nakagalaw at nakatitig lamang ako sa singsing na nasa mesa.

Narinig ko ang malungkot niyang pagtawa.

"Kahit alam kong may iba na siya, I still tried because I still love him at ang kapal ko mang pakinggan pero pinaghahawakan ko pa rin yung pangako niyang papakasalan niya ako. Kaya sinubukan ko, but he refused, without a second thought."

Tiningnan ko siya. Ang kaniyang mukha ay nabasa nang mga luha.

Lumingon siya sa akin. Ang kaniyang magandang mga mata ay nababalutan ng sakit.

"Ang sabi niya sa akin ay isang tao lang raw ang gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay...at ikaw iyon." Tuluyan na siyang napahagulgol sa pagkakataong iyon.

Wala naman akong magawa kundi ang panoorin lamang siya. Hindi ako makagalaw para aluin siya o bigyan man lang ng pamunas ng luha dahil unang-una ako ang dahilan ng mga luhang iyon. Nasasaktan siya nang dahil sa akin. Dahil ako ang pinili ni Keano.

"Alam kong kasalanan ko naman kung bakit kami naghiwalay. Pero sobrang sakit...sobrang sakit."

Pumikit ako ng mariin at sinubukan siyang patahanin. Kahit ako ay hindi ko na napigilang umiyak dahil sa halu-halong emosyong nararamdaman ko.

Hati ang emosyong nararamdaman ko sa nalaman kong iyon. May parte sa aking masaya at napatunayan kong sobrang mahal ako ni Keano.

Ngunit may parte rin sa aking nalulungkot at nasasaktan para kay Keano.

I know Keano. Alam kong kahit tinanggihan niya ang proposal ni Sofia ay nasaktan parin siya para rito. I know deep inside of him, he's having a dilemma. Especially at this moment.

I overheard that Sofia's condition is not getting any better. And at this rate, if they couldn't find any donor for her, she could die any time.

Hindi ko rin sinasadyang marinig ang paki-usap ng parents ni Sofia kay Keano. They asking him to grant Sofia's last wish. Its marrying him, dahil kahit sila ay nauubusan ng pag-asa at naawa na sa paghihirap ni Sofia. They wanted her to rest being happy, and only Keano would able to do it.

Ngunit dahil sa pagmamahal niya sa akin ay hindi niya iyon magawa.

Now I understand why he suddenly ask me if I wanted to marry him. He wanted to justify his decision of turning down Sofia's proposal by asking me to marry him, because he feel guilt.

He's feeling guilty for not being able to give Sofia's her last wish. Every time I look at his eyes, I saw guilt, I saw pain and it pains me too.

Damn! Anong gagawin ko? –oh no, that question is wrong. It should be, kaya ko bang gawin? Dahil alam ko na ang dapat at nag-iisa kong gagawin ngunit hindi ko lang alam kung kaya ko.

Mahal na mahal ko si Keano at hindi ko alam kung kaya ko ba siyang pakawalan. Hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang ibigay ulit sa taong minsan nang sumira sa kaniya. Sa taong, alam kong minsan na niyang sobrang minahal.

Makakaya ko bang iparaya yung taong mahal ko?




Napukaw ang malalim kong pag-iisip nang makaramdam ako ng init sa aking palad.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon