Chapter 46

597 35 2
                                    

Chapter 46


"Hindi pa rin namin siya nakaka-usap Eli."

Bumagsak ang balikat ko sa naging sagot sa akin ni Ate Lou nang tanungin ko siya. Pansin ko ang pag-iiwas nila ng tingin sa akin at pag-aalinlangang sagutin ako.


Mas lalong sumidhi ang kaba sa aking dibdib. Malinaw na may alam sila ngunit hindi nila iyon masabi sa akin. Gusto ko pang magtanong pero pinili ko nalang na huwag na.

Ayokong pag-isipan sila ng masama dahil maganda ang samahan namin at itinuring nila akong kaibigan. Ngunit, si Keano ang totoo nilang kaibigan at alam kong nasa kaniya ang loyalty nila. Sa huli ay wala rin akong mapapala.

Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanila. Tinalikuran ko na sila at naglakad paalis. Si Flynn ay nanatiling tahimik sa aking tabi.

"Eli wait," napatigil ako sa paghakbang nang habulin ako ni ate Lou. Kita ko sa mga mata niya ang guilt at alinlangan.

"Look, don't think na dahil kaibigan namin si Kean ay pag-lilihiman ka namin okay? It's just that, wala kami sa lugar para maki-alam..." bumuga ito ng hangin at sumulyap sa aking likuran kung nasaan ang kaniyang mga kabigan. "...but I assure you, he loves you and wala siyang gagawing bagay na makakasakit sa'yo."

Kita ko ang labis na sinseridad sa mga mata ni Ate Lou. Pero hindi pa rin napawi noon ang bumabagabag sa aking kalooban. Ang dami pa ring tanong sa aking isipan.

"Eli," Lumingon ako kay Kenny nang tawagin ako nito. "Hintayin mo si Kean, he'll explain to you everything." Sabi niya.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kanila.

Lutang akong naglakad papunta sa susunod kong klase. Mabuti nalang ay kasama ko si Flynn at siya ang nagsilbing gabay ko sa paglalakad dahil kung hindi ay naligaw na ako ng daan.

Ramdam kong may nais sabihin si Flynn ngunit mas minabuti nitong manahimik nalang. Marahil ay alam niyang hindi nabawasan ng pag-uusap namin nina Ate Lou ang bigat ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Tinanong ako nina Stella pagbalik namin ngunit si Flynn na ang sumagot at wala rin kasi akong ganang magsalita. Laking pasasalamat ko at mukhang naintindihan naman nila at hindi na sila nag-pumilit pa ng tanong.

Pagkatapos ng huling klase ay kaagad akong nag-paalam sa kanila upang magpunta sa ospital. Naka-received ako ng text message mula kay Doctor Carlos na lumabas na ang result ng DNA test.

Halos nawala na nga sa isipan ko ang bagay na iyon dahil sa alalahanin ko kung nasaan si Keano.

"Good afternoon, Doctor Carlos, Doctor Parson, Doc Caspian." Bati ko sa kanila nang makapasok ako sa office ni Doctor Carlos. Ngumiti si Doctor Caspian at tumango.

"Good afternoon Eli, please take a sit." Sabi ni Doctor Carlos.

Umusog si Doctor Parson upang makaupo ako sa tabi niya. Bakas sa malawak niyang ngiti ang saya. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.

"Okay, let's open it." Sabi ni Doctor Carlos tsaka inilabas sa brown envelope ang isang papel. Saglit siyang tumingin sa amin bago muling ibinalik sa papel ang kaniyang mga mata.

"I-it's ninety-nine percent match. He's your biological father Eli."

Napatigil ako sa sinabi iyon ni Doctor Carlos. Expected ko na ganito ang resulta pero iba hindi ko parin maiwasang makadama ng pagkagulat.

"I knew it. Ii knew you are my son, Eli."

Mahigpit akong niyakap ni Doctor Parson. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking balikat, hudyat ng pag-iyak nito. Maski ako ay hindi ko naiwasang maiyak.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon