Chapter 36

708 38 0
                                    

Chapter 36



Pagkatapos ng dinner ay kaagad nakong nagpaalam kina Ma'am Cassandra at Manang. Nauna na akong umakyat at bumalik sa aking silid.

Ayoko na kasing mag-tagal duon dahil sa mga tingin ni Keano. Kanina pa kasi siya sulyap ng sulyap sa akin, at hindi na ako komportable dahil maging si Kuya Caspian ay nakikita kong sumusulyap sa aming dalawa.

Natatakot akong baka malaman ni Kuya Caspian na ako ang taong tinutukoy ni Keano.

Kaagad kong binuksan ang doorknob ng kwarto ko at pumasok. I was about to close it when Keano also came inside and the next thing I knew I am already leaning against the door.

"K-keano! Anong ginagawa mo rito?!"

Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya.

"After what we did, iiwasan mo 'ko? Did you know how fucking frustrating it is?"

Mahina ngunit may diin ang bawat salita niya.

Napalunok ako at nagiwas ng tingin. Sabi ko na, maling-mali ang ginawa kong pagtugon sa mga halik niya noong araw na iyon!

Bakit ba kasi ako nagpadala sa aking emosyon? Bakit ko hinayaang mabaliw sa mga halik na iyon? Ang tanga mo kasi Eli!

"K-keano, yung nangyari noon, I'm sorry. Mali 'yon, I shouldn't kissed you, I'm sorry. Maling-mali iyon." Natatarantang sabi ko sa kaniya habang pinipilit pumiglas sa kaniyang pagkakahawak sa akin. "Hindi dapat nangyari ito, pasenya na. I-It's just a mistake!" Sabi ko pa.

Imbes na bitiwan niya ako ay maslalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahwak sa akin.

"What? Are you fucking serious? After you kissed me, now you're telling me that it was a mistake? A fucking mistake?" Ramdam ko ang galit sa bawat salitang sinabi niya.

Hinawakan ng isa niyang kamay ang aking baba upang pihitin ang aking mukha paharap sa kaniya. Kitang-kita ko ang mga pinaghalong frustrations, galit at sakit sa kaniyang mga mata.

Ang kaniyang paghinga ay unti-unting bumigat, tila tanda ng kaniyang pagpipigil nagalit.

"Nakakainsulto ang sinabi mo Eli, hindi mo ba alam?" Sabi niya, ang kaniyang mga ngipin ay bahagya pang nagtangis. Bahagya niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin na labis na nakapag pakaba sa akin. "That kiss is special for me, because it tells me that we could have a chance that I it is worthy to risk for this feelings." Sabi niya.

Umiling ako at sinubukan siyang itulak.

"No. Walang pag-asa sa ating dalawa. Dahil tulad ng sinabi ko sa'yo noo-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin niya iyon ng halik. I tried to stop him and push him away but he just pinned me on the door using his body. Hinuli ng kaniyang mga kamay ang aking mga kamay at dinala iyon sa itaas ng aking ulo.

Ginawa ko ang lahat upang hindi na maulit ang nangyari nung nakaraan. Hindi ako pwedeng bumigay muli ako sa kaniya. Hindi na maari.

Tatlong katok mula sa pintong kinasasandalan ko ang nagpamulagat sa aking mga mata. Ang aking loob ay mabilis na kinain ng kaba lalo na nang tila walang naririnig si Keano at ayaw niyang putulin ang halik.

Piniglas ko ang aking kamay na kaniyang hawak at pinilit siyang itulak. Muli ay may kumatok. Dahil sa ayaw niyang tumigil ay mariin kong kinagat ang kaniyang labi.

"Fu-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago pa siya makapag salita. Masama ko siyang tiningnan.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now