Chapter 27

753 40 0
                                    

Chapter 27



Pinatay ko ang cellphone ko buong araw kinabukasan at wala akong balak buksan iyon hanggang nandito ako sa probinsya. Ayaw kasi ako tantanan ng mga tawag at text ni Keano.

Umuwi nga ako para makalayo sa kaniya kahit saglit at makapag-isip ng maayos ngunit ayaw naman niya ako tigilang bulabugin. Kahit milya-milya ang layo namin sa isat-isa ay nagagawa niya paring guluhin ang isipan ko.

"Oh, ayos ka lang ba apo?" Tanong sa akin ni Lolo.

Nakaupo ako sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga sa likod bahay. Tapos na ako sa mga gawaing bahay at binabantayan ko ngayon si Lilia na naglalaro ng bago niyang laruan.

"Ayo slang po, Lo. Bakit po?"

Umupo ito sa upuan katabi ng duyan.

"E, ang lalim ng iniisip mo. Mukang may gumugulo sa iyo." Sabi niya, kumunot pa ang noo nito.

"Ah...wala po Lo. Ayo slang po ako." Umiling ako at bahagyang natawa.

"Naku ako pa ba pagtataguan mo, apo e mula pagkabata kasama mo na 'ko. Kilala na kita, alam ko kung kailan ka masaya, malungkot o may iniisip." Sabi niya na ikinatigil ko.

"Kitang-kita sa mukha mo na may bumabagabag sa iyo. Tungkol ba ito sa pag-aaral mo? Nahihirapan ka ba roon?" Bakas sa kaniyang tinig ang pag-aalala.

Tipid akong ngumiti at muling umiling. "Wala po talaga Lo. Huwag po kayong mag-alala hindi po ako nahihirapan duon at maayos ang kalagayan ko roon." Paninigurado ko.

Lumiit ang kaniyang mga mata. Hindi kumbinsido sa aking sinabi.

"Ah, baka mali ang tanong ko. Baka hindi ano, kung hindi sino ang bumabagabag sa iyo? Tama ba ako?" Nanlaki ang mga mata ko. Ngumisi si Lolo na parang natumbok niya ng tama ang tamang tanong sa akin.

Umuwang ang aking bibig, gustong dumipensa ngunit hindi ko alam ang sasabihin ko. Alangan akong ngumiti. "L-lolo! Ano bang sinasabi niyo? Wala akong iniisip na kahit na sino." Pagtanggi ko sa kaniyang sinabi.

"Eli apo, pwede mong itanggi iyan sa salita, ngunit hindi maitatago ng iyong mga mata ang katotohanan. O, siya sige hindi kita pipiliting magsabi kung ayaw mo. Ngunit kung nais mo ng makakausap, pwede mo ako lapitan." Sabi ni Lolo.

Tinapik pa ako nito sa aking balikat nang tumayo ito. Tumango na lang ako.

Sinubukan kong alisin si Keano sa isipan ko at pilit na kinalimutan pansamantala ang lahat ng gumugulo sa akin. Bumalik ako sa dati kong routine noong nandito pa ako sa probinsya, para abalahin ang aking sarili.

Nakipag kita rin ako sa mga dati kong kaklase sa bayan, nang sumunod na araw. Tuwang-tuwa sila dahil ngayon nalang ulit kami nag-kita kita matapos ang graduation sa high school.

Ang iba sa kanila ay hindi pumasok ng kolehiyo, ang iba naman ay sa community college nag enroll, ang iba ay gaya kong sa Manila pumasok. Ang tungkol sa mga eskwelahan lang namin ang mga pinag-usapan namin at mga kung anong ganap sa buhay ng isa't isa.

Ikinuwento ko rin sa kanila na sa iisang university lang kami pumapasok ni Allen. Bukod sa akin ay malapit rin kasi si Allen sa kanila. Kahit papaano ay nakatulong ang paglabas kong iyon, at nakalimutan ko ang tungkol kay Keano.

Gabi na nang makauwi ako. Birthday rin kasi ng isa naming kaibigan kaya nagkaroon ng maliit na kasiyahan. Nagpasabi naman ako kina Lolo na gagabihin ako.

Maagang natutulog ang mga tao rito sa lugar namin, hindi gaya sa Manila kaya naman pagdating ko ay halos tulog na silang lahat. Si Kuya Leo nalang ang naabutan kong gising at may kausap sa kaniyang cellphone sa labas.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now