Chapter 53

631 46 5
                                    

Chapter 53

It's been days, nang maka-alis si Daddy ngunit nanatili pa rin ako rito sa Manila. Tinanong niya kasi ako kung gusto kong magbakasyon sa Canada para rin maipakilala niya raw ako sa pamilya niya roon.

I was hesitant at first dahil ayokong iwan sina Lolo. Ngunit naki-usap si Daddy at si Flynn ay inudyukan rin ako. Kaya naman nanatili muna ako rito sa Manila upang asikasuhin ang passport at visa ko.

Ipina-alam ko na rin kina Lolo ang balak ko. Balak ko pa namang umuwi bago umalis ngunit mas minabuti ko nang ipaalam sa kanila.

Kina Flynn ako nagstay, medyo nahihiya na nga ako sa kina Tita Karen at Tito Fredrick but they told me na ayos lang kung manatili ako sa bahay nila. Dahil anak ako ng matalik nilang kaibigan, ay parang miyembro na rin ako ng pamilya nila. Napag-alaman kong naging magkaibigan sina Daddy at Tito Fredrick sa Canada nang maging surgeon ng kapatid ni Tito na nakatira duon si Daddy.

Habang na rito ako sa Manila ay minabuti kong bumisita na rin kay Ma'am Cassandra. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa ginawa kong pag-alis ng walang pa-alam. Hindi na kasi ako bumalik ng bahay nila nang umalis ako sa condo ni Keano. Kaya may mga gamit pa rin akong naiwan roon hanggang ngayon.

Sa flower shop niya ako nagtungo. Halos lumabas sa aking dibdib ang aking puso sa lakas ng kaba nito. Flynn insisted to come with me, para samahan ako but I refuse. Masyado ko na siyang naabala sa personal kong buhay. Hindi ko pa nga siya napapasalamatan ng maayos para sa mga ginawa niya para sa akin.

Sumilip muna ako mula sa labas upang i-check kung nasa loob siya. Nakita kong busy ang mga tauhan niya sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Nakita ko si Ma'am Cassandra na nag-aayos rin ng mga bulaklak.

Bumuga ako ng hangin bago naglakas ng loob na maglakad papasok roon.

"Eli!" tawag sa akin ng isa niyang tauhan na aking nakasama noon rito. I smiled at her.

"Hello." I greet.

Humarap sa gawi ko si Ma'am Cassandra. Kita kong bumakas at pagkagulat sa kaniyang mukha.

"Oh my God, Eli..."

Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi ako kaagad naka galaw. Hindi koi ne-expect na pagkatapos ng pag-alis ko ng walang maayos na paalam ay ganito niya ako sasalubungin. Sobrang bait talaga ni Ma'am Cassandra.

"How are you? Oh my God, I am so worried about you..."

Pumasok kami sa kaniyang office upang duon mag-usap.

"Ayo slang po ako Ma'am Cassandra..." Sagot ko. "Kayo po? Kumusta po kayo? Gusto ko po sanang humingi ng pasenya sa pag-alis ko ng walang maayos na pa-alam. Hindi ko po gustong gawin iyon." Nahihiya kong sabi.

"It's okay. I understand. Medyo nagulat lamang ako, but that's fine. Napaliwanag ko na kina Carlos at Caspian ang nangyari. Though, Carlos wanted to talk to you, because he's also worried about you. Siya ang nagdala sa'yo rito, at responsibilidad ka pa rin niya."

Tumango ako.

"Balak ko rin pong bisitahin si Doctor Carlos sa ospital upang pormal na humingi ng pasenya at magpasalamat. Ayokong isipin ni Doc Carlos na binabalewala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin..."

Hinawakan ni Ma'am Cassandra ang aking kamay at marahang pinisil iyon.

"Hindi niya 'yun iniisip. He's actually worried about you when he learn what happened..." Bahagya siyang huminga ng malalim.

"Eli, why did you do it? You love Keano, and he loves you so much. Why did you ask him to marry Sofia?"

Ilang saglit akong napatitig kay Ma'am Cassandra nang marinig ko ang tanong na iyon. Naramdaman ko ang panggigilid ng aking luha.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon