Chapter 35

771 41 2
                                    

Chapter 35



"M-mauuna na ako."

Nanginig ang aking boses nang magpaalam ako kay Keano. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa naganap sa aming dalawa.

"Take care."

Malambing ang boses niyang sabi bago niya ako pakawalan. Tumango ako at walang lingon siyang tinalikuran at lumabas ng silid na iyon.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong madatnang estudyante sa hallway. Sabagay ay oras ng klase kaya walang mga tao roon.

Napapikit ako ng mariin nang maalala kung nasaan na dapat ako sa mga oras na ito! Mabilis kong tinakbo ang paputa sa lab. Magti-thirty minutes na akong late nang makarating ako roon.

Lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin. Mabuti nalang ay mabait ang professor ko at tinanggap ang dahilan kong nasira ang tyan ko kaya ako nahuli.

Pinakuha niya pa rin ako ng activity, yun nga lang ay late ako natapos at isinunod ko nalang iyon sa kaniya sa faculty room.

Lunch break ang sumunod at duon sa cafeteria ay pinaulanan ako ng tanong ng mga kabigan ko. Hindi sila naniwala sa rason ko dahil maayos naman raw ako kanina.

"Did something happened?" Tanong ni Flynn habang nakapila kami sa counter. Sina Stella ay nasa mesa na at naunang umorder sa amin.

Saglit akong napatigil at alangan kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari o magsisinungaling ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang muling bumalik sa isip ko ang nangyari sa pagitan namin ni Keano!

Naramdaman ko ang paghawak niya sa noo ko.

"Are you okay? Namumula ka."

Dahil sa hiyang umusbong sa aking kalooban ay kaagad nag-init ang mukha ko. Dahil sa maputi ako ay kitang-kita ni Flynn ang pamumula ng mukha ko.

"Uh-ayos lang ako. Mainit lang." Sagot ko. Tiningnan ako ni Flynn ng may kunot sa noo. Halatang hindi naniniwala sa akin, kaya naman nginitian ko siya. "Ayo slang talaga ako. Huwag mo 'kong masiyadong lalahanin." Sabi ko at siniglahan pa ang boses upang makumbinsi siya.

Tumango naman siya at hindi na muli pang nagtanong na labis kong ikinasaya.

Lumipas ang ilang araw ay sinubukan ko paring iwasan si Keano kahit imposibleng mangyari dahil lagi niya akong hinuhuli. Minsan ay magugulat nalang akong may nanghihila sa akin at bigla ako nitong yayakapin.

Ilang beses kong sinabi sa kaniya na tigilan na iyon, na walang kapupuntahan ang mga ginagawa niya. Dahil kahit tinugon ko ang halik niya noong nakaraan, hindi parin magbabago ang mga sinabi ko sa kaniya.

Hindi ko parin makakayang sumugal sa pag-ibig na ito. I can't afford to risk the only way, na makapagtapos ako ng pag-aaral at matupad ko ang pangarap ko.

Alam ko na sa tuwing sinasabi ko sa kaniya, na hindi ko kayang itaya ang pangarap ko para sa kaniya ay nasasaktan siya. Ngunit iyon lang ang naiisip kong paraan upang mapatigil na siya. Mas magiging madali ang lahat. Walang komplikasyon.

Biyernes ng hapon nang magkayayaan kaming magkakaibigan na kumain sa labas. Sabay-sabay kaming nagpunta sa parking lot.

Pasakay na sana ako sa passenger seat ng kotse ni Flynn nang may humawak sa braso ko at mabilis na isinara ang pintuan.

"Keano!"

Mariin kong pagtawag sa taong gumawa noon.

Mariin itong nakatitig sa akin. Ang kaniyang mga panga ay nagtatangis sa tila emosyong kaniyang pinipigilan.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now