Chapter 16

813 48 0
                                    

Chapter 16



Dalawang oras kong sinubukang matulog nang gabing iyon ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako dinalaw ng antok.


Naka ilang palit ako ng pwesto sa aking higaan ngunit wala itong naging epekto. Sa huli ay pinili ko nalang na lumabas sa sala upang manood ng pelikula baka sakaling antukin ako.


Wala naman akong hilig sa panonood at hindi ko alam kung anong magandang palabas kaya kung ano ang una kong makita sa TV ni Keano ay iyon ang pinlay ko.


Nasa kalahati na ang pelikula nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.


"Keano?"


Gulat kong salubong sa kaniya.


"You still awake? Don't tell me you're waiting for me?" He asked, grinning.


Sumimangot ako.


"Bakit naman kita iintayin? Teka...ang aga pa ah, bakit andito kana?" Tanong ko sa kaniya.


Naupo siya sa sofa katabi ko. Isinandal niya ang kaniyang ulo head rest ng sofa at ipinikit ang mata.

"I ended the date quickly." Kaswal nitong sabi.


Kumunot ang aking noo.


"Anong ibig mong sabihin?"


Humarap siya sa akin, habang nanatiling nakasandal ang kaniyang ulo sa head rest.


"I told her that I don't like her and I don't think I will like her."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya.


"Ano?! Bakit mo sinabi iyon!" Gulat kong tanong.


Bigla kong naisip si Stella na paniguradong sa mga oras na ito ay umiiyak. Akala ko ba naman ay maayos ang kakalabasan ng gabing ito. Hindi pala!




"I just told her the truth. What's wrong with that?" Nakakunot ang kaniyang noo.


"Uh, oo walang mali sa pagsasabi ng katotohan, but do you really have to be that rude to her? It's her birthday, and your broke her like that." Sabi ko sa kaniya.


Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.


"Kung hindi ko ginawa ko 'yon, pagtakatapos ng gabi ito ay paniguradong aasa siya sa 'kin. I just don't want to give her a false hope that will broke her eventually."


Nagiwas ako ng tingin nang hindi ko kinaya ang kaniya ang pressure ng kaniyang mga mata na nakatitig sa akin.


"How is she?" Tanong ko nalang.


Tama naman siya. Pagkatapos ng gabing ito hindi malabong umasa si Stella kay Keano. Kung mangyayari iyon, paniguradong mas masakit ang kaniyang mararamdaman.


"Don't worry about her, I call someone to take care of her." Sagot niya na muli kong ikinalingon sa kaniya.


"Sino?"


"Someone who is more deserving of her." Sagot niya.


Nanlaki ang mga mata ko ng makuha ko kung sino iyon. Napatango naman ako. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag roon.


Isinandal ko ang ulo ko sa head rest ng sofa gaya niya.


"I hope she's okay."


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now