Chapter 08

830 43 0
                                    

Chapter 08


Akala ko ay uuwi na kami pagkalabas namin ng shop na iyon dahil wala na si Ma'am Cassandra, ngunit hindi.


Inaya ako ni Keano na kumain muna bago raw kami pumasyal pa sa mall. At tulad noong nakaraan, sa isang mamahalin at walang gaanong tao na restaurant kami nag punta.


"Bakit ba laging sa mamahaling restaurant tayo kumakain?"


Hindi ko naiwasang itanong pagkaalis ng waiter na kumuha ng order namin. Siya ulit ang pinag-order ko.


Marami naman kasing restaurant na hindi ganito kamahal ang mga pagkain. Iyong mga napapanood ko sa TV? Hindi gaanong kagarbo ang lugar pero hindi naman ganoon kamahal at sa tingin ko ay hindi nakaka-intimidate ang ambiance. Hindi tulad rito.


"I don't like fast food restaurant, too crowded. Why? Ayaw mo ba rito?" Kumunot ang kaniyang noo.


Umiling ako. "Hindi naman sa ganon. Ang mahal lang kasi ng mga pagkain, medyo nakaka hinayang." Sagot ko.


Ngumisi siya. "Next time, I'll let pick." Sabi niya.


Dumating ang order namin. Hindi na masyadong marami dahil sinabihan ko siyang umorder lamang ng sapat para sa aming dalawa.


Habang kumakain ay nag kukwentuhan kami. Natuklasan kong ayaw niya talaga sa mataong lugar, gaya ng mall, sinehan at fast food restaurants. Naiirita raw kasi siya sa crowd.




Medyo ang arte niya sa parteng iyon. Pero sabagay, iba iba naman tayo ng gusto at hindi gusto.


Pagkatapos naming kumain ay tinanong niya ako kung saan ko pa gustong pumunta. Since sabi raw ni Ma'am Cassandra na ipasyal niya ako rito bago umuwi. Tinanong ko kung ayos lang bas a kaniya dahil maraming tao sa mall at baka gusto na niyang umuwi.


Sabi niya ay ayos lang siya.


Wala naman akong alam na pupuntahan kaya sabi ko sa kaniya na siya na ang bahala. Tinanong niya kung gusto ko raw bang manood ng sine, gusto ko sana ngunit naisip kong ayaw naman niya sa ganoong lugar at ayokong pilitin siya.




Sabi ko ay magkalad-lakad nalang kami. Hindi naman siya nag reklamo. Magkasunod kaming naglalakad sa loob ng napakalaking mall.




Napadpad kami sa isang book store at inaya ko siyang mag tingin-tingin sa loob. Matagal ko na kasing gustong makapunta sa ganito, kaya hindi ko napigilang ma excite na pumunta.




"Eli, mag cr lang ako. Hintayin mo ako rito. Huwag kang aalis." Pagpapaalam niya.


Tumango ako. "Sige. Hinatayin kita rito." Sabi ko.


Umalis siya at ako naman ay pumasok sa book store. Nagtingin-tingin ako ng mga libro. Tingin lang dahil, wala naman akong perang pambili.




Habang nagtitingin ako ay may nakita kong batang lalaki na umiiyak sa labas ng book store. Walang pumapansin sa kaniya kaya lumabas ako at nilapitan siya.




"Uy, bata ayos ka lang?" Tanong ko.


"Pa-papaa!!" Iyak niya.


Nagpalinga –linga ako sa paligid at baka may taong naghahanap sa kaniya.


"Asan ba ang papa mo?" Tanong ko.


Hindi siya sumagot at iyak lang siya ng iyak.


Lumuhod ako sa harap niya at pinunasan ang kaniyang basang-basang mukha dahil sa luha.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now