Chapter 50

677 44 4
                                    

Chapter 50

Hapon nang magpunta kami sa sementeryo kung saan naka libing si Mama. Hindi naiwasang naging emosyonal ni Daddy habang kinakausap ang puntod ni Mama. Maging tuloy ako ay hindi ko maiwasang maluha.

Isn't is painful? Yung pareho niyang sobrang mahal na mahal ang isat-isa ngunit hindi kayo ang nagkatuluyan sa huli. Bakit, ganun? Bakit sobrang sakit maglaro ng tadahana at pag-ibig? Bigla kong naisip kami ni Keano.

What if we end up like them? Paano kung pansamantala lang pala kaming dalawa? Paano kung stop over lang pala naming dalawa ang isat-isa bago kami makarating sa totoong taong tinadhana para sa amin? Damn! That would be so painful!

Nauna nang umuwi sina Daddy at kami nalang dalawa ni Keano ang naiwan sa puntod ni Mama. Gusto raw niya kasing manatili pa at makapagpakilala kay Mama.

"Mama, ako po si Kean...yung gwapong boyfriend ng anak niyo." Sumulyap pa siya sa akin. Inirapan ko siya na kaniya naman ikinatawa ng mahina.

"Gusto ko lang pong sabihin na, mahal na mahal ko po ang anak niyo. Nagmahal na ako noon at nabigo, at dumating sa puntong nawalan na ako ng pag-asang magmahal ulit..." marahan niyang pinisil ang ang aking kamay.

"...at iyon yung ibinigay sa akin ng anak niyo nang makilala ko siya. The chance and the reason to fall in love once again...I thought, I already know what love is... I thought I already know how to love. But I was wrong...because when I fall for him, he thought me how love is supposed to be." He look at me.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay. Dinala niya sa kaliwa niyang pisngi ang isa kong kamay at marahang dinampian iyon ng halik, habang ang mga mata niya ang nakatitig pa rin sa akin.

"This love I have right now, is far different from the love I felt before. Words in not enough to describe it. All I know is, it's something that is worth risking and fighting for. It is something that is worthwhile."

A tear fall from my eyes. Bawat salitang binibitiwan ni Keano ay punong-puno ng sinseridad at pagmamahal. Tumatagos iyon sa aking puso. Ang mga paru-paro sa aking sikmura ay hindi na mapakali sa paggalaw na nagdudulot sa akin ng kiliti.

"I promised, I'll keep fighting for this love. I'll keep fighting for your son, Mama...and I promised I'll marry him, when the right time comes."

Si Mama ang kaniyang kainakusap ngunit parang ang bawat salitang iyon ay saakin niya sinasabi.

Umihip ang malamig na hangin. Hindi ko maiwasang matawa sa kabila ng pagtayo ng aking mga balahibo.

"I-I think Mama, already likes you." Natatawa kong sabi sa kaniya.

Maging siya ay natawa.

Marahan niya akong hinitak palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking sentido.

"I love you so much Eli." Bulong niya sa akin.

"Mahal rin kita, Keano. Mahal na mahal." Sagot ko sa kaniya.

Ilang sandali pa ang pinalipas namin bago kami umuwi. Dumaan pa kami sa plaza at kaumain ng mga street foods duon. Namasyal pa kami sandali bago dumiretso sa bahay.

Naghanda ng inuman sina Lolo at Uncle sa bahay para kina Daddy at Keano. Ipinakilala ko na rink ay Uncle si Keano at mula noon ay hindi na niya tinigilang tanungin ito ng tanungin. Kita ko namang hindi naman nailang si Keano at lahat ng tanong ni Uncle tungkol sa amin ay sinagot niya ng tapat.

Naging maingay pa lalo sila nang mga tamaan na ng alak. Hindi na ako naki-inom sa kanila dahil hindi naman talaga ako umiinom. Si Keano at Daddy ay mabilis nalasing dahil lambanog ba naman ang ipainom sa kanila. Napailing nalang ako sa kanilang kaingayan.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now