Chapter 59

628 36 1
                                    

Chapter 59

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Keano sa garden ay tuluyan ko na siyang iniwasan. Mas makakabuti iyon para sa aming dalawa, higit para sa kaniya upang unti-unti ay makalimutan na niya ako.

Unti-unti ko rin inayos ang relasyon namin ni Flynn na nagkaroon ng gusot. Bawat araw ay bumabawi ako sa kaniya. Ginawa ko lahat upang iparamdam sa kaniya na mahalaga siya sa akin at totoong mahal ko siya. Ayokong isipin niyang tine-take for granted ko lamang ang pagmamahal na ibibigay niya sa akin.

Tinupad ko ang pangako ko sa kaniyang iiwasan ko na si Keano at kung hindi kailangan ay hindi ko na siya lalapitan pa. Kaya iyon ang ginawa ko at patuloy kong ginagawa sa loob ng halos tatlong buwan nang lumipas.

Sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway ng ospital ay umiiba ako ng daan o hindi kaya ay iniiwasan kong magkaroon ng eye contact sa kaniya. There are times that he tried to come and talk to me but, I always avoid him.

“Sa tingin mo hanggang kailan mo maiiwasan si Doc Kean?” Tanong sa akin ni Stella minsan habang nagla-lunch kaming dalawa. Wala si Yuri dahil mamaya pa ang duty niya.

Saglit akong napatigil sa pag-subo ng aking pagkain at sumulyap sa kaniya.

“Hindi ko siya iniiwasan no.” Pagsisinungaling ko.

Umirap ito. “Ah talaga ba? So ano? Trip mo lang yung palagi mong pag-iiba ng daan sa tuwing makaka-salubong natin siya sa hallway? Huh? Akala mo ba ako lang nakakapansin? Maging yung ibang residents at seniors natin halata nilang iniiwasan mo si Doc Kean.” Mabang paliwanag ni Stella.

Natutop ang aking bibig roon. Hindi ko gustong maging malaking issue pa ang pag-iwas k okay Keano sa ospital, I didn’t know marami na pala ang nakakapansin.

“It’s for the best. I’m in a relationship already, committed to someone else and I think hindi na magandang tingnan kung magiging malapit pa kami ni Keano sa isa’t isa...” Sabi ko sa kaniya. “Isa pa, ipinangako kay Flynn na lalayo na ako kay Keano, ayokong sirain ang tiwalang ibinibigay niya sa akin.” Dagdag ko.

Tumango-tango si Stella. “Well, that’s right naman. Siguro nga tama na layuan mo na si Doc Kean, para rin hindi makadagdag sa stress na kinakaharap ni Flynn ngayon.” Sabi niya.

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. “Stress?” I asked.

“Yeah…nakaka-stress kaya ang sitwasyon ng company nila ngayon hindi ba?” Sagot niya.

“Sitwasyon? What do you mean?”

Bahagyang bumilog ang mata ni Stella. “Omg. Hindi moa lam?” Gulat niyang tanong.

Umiling ako. “Hindi. Tell me what happened?” Kinakabahang tanong ko.

“Uh- ano…” Kita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata tila nakikipag talo siya sa kaniyang sarili kung mag-sasalita ba siya o hindi. Marahan kong pinisil ang kaniyang kamay. “Tell me what happened please?”

Huminga siya ng malalim. “O-okay, I’ll tell you but please don’t tell Flynn I’m the one who spill you this okay? It looks like he doesn’t want to know you this.” Kinakabahan niyang sabi.

“I won’t tell him. Now tell me, what happened.”

Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang magsalita. “Their company are suffering a great financial loss because of an investment fraud. I don’t know the details about investment fraud but I heard from Yuri that many of their shareholders and investors already pull out their shares and investments…” Kinagat ni Stella ang kaniyang pang-ibabang labi.

“Other than that. Their major shareholders are demanding to sue Tito Frederick. Because of too much stress, Tito Fredrick was admit in the hospital. This is why Flynn resigned from hospital and instead help Tito Fredrick to sort things out in their company.”
Napasinghap ako habang pino-proseso ng aking isipan ang mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. May crisis na kinakaharap ang kompanya nila Flynn, kakasuhan si Tito Frederick at naospital pa ito kaya nag-resign sa ospital si Flynn pero wala siyang sinasabi sa akin. Kahit araw-araw niya akong sinusundo at inihahatid. Kahit si Kuya Leo na driver nina Flynn ay walang nabanggit sa akin sa kung anong kinakaharap ng pamilya nina Flynn ngayon.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now