Chapter 45

594 32 0
                                    

Chapter 45



"We will see the result after three days."

Tapos na kami makuhanan ng specimen na gagamitin para sa DNA testing. Kinausap ni Doc Carlos si Mr. Parson, ang nagpapakilalang ama ko.

"Eli?"

Lumingon ako kay Doc Caspian nang tawagin ako nito.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Opo, ayos lang po ako. Medyo shock pa rin." Sagot ko.

Tumango-tango siya. "It's natural. Hindi naman pangkaraniwang sitwasyon ang isang araw ay may isang taong maghahanap sayo at magpapakilalang tatay mo." Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "It's okay if you still can't grasp with the situation. It takes time to process it all."

"Anyways, I need to go first, I need to do rounds. Bye, Eli." Pagpapa-alam niya.

Tumango ako at nagpa-alam na rin sa kaniya.

After na makapag-usap nina Doc Carlos at ni Mr. Parson ay ako naman ang nilapitan ni Doc Carlos.

"Eli, are you okay?" Tanong nito. Tulad ng naging sagot k okay Doc Caspian ay ganun rin ang naging sagot ko sa kaniya.

"Okay, the result will be out in three days, I don't know if that time is enough for you to get ready but I need you to be ready. Whatever the result will be." Sabi niya.

"I will Doc." Sagot ko.

"Uh, and another thing, Doctor Parson asking me if he can have a dinner with you tonight." Tumingin ito sa lalaki. He smiled at me with eyes pleading.

Alangan akong ngumiti. "Uh, sige po." Dahan-dahan akong tumango.

"That's settled then. Ipapahatid na kita kay Hans, baka mahuli ka pa sa klase mo." Tinapik niya ang aking braso.

Bago ako umalis ay hinarap ko muna si Doctor Parson. I am not angry or mad at him. I just don't feel anything right now.

"D-doctor P-parson, uh it's nice to meet you, sir." Nag-aalangan kong sabi.

Ngumiti ito. "C-can I hug you again? You really resembles Elizabeth."

Tumango ako at lumapit sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap.

"I'll see you later." Bulong niya.

Nang makapag-paalam na ako ay hinatid na ako ni Mr. Hans pabalik sa university. Tatawagan nalang raw ako ni Doctor Parson mamaya para sa dinner namin.

Para akong lutang sa mga natitira kong klase pagbalik ko sa university. Tinanong ako ng mga kaibigan ko kung saan ako galing at bakit mukha akong lutang. Tanging iling lang ang sinagot ko sa kanila dahil parang wala akong lakas magsabi sa kanila.

Pagkatapos ng klase ay umuwi ako kaagad. Nagpahinga lang ako at nagintay ng oras para sa dinner na nakaplano. Alas-siyete nang makatanggap ako ng text message mula kay Doctor Parson na nasa ibaba na raw siya.

Bumababa na ako upang puntahan siya. Sa isang restaurant kami nagpunta. Sobrang katahimikan ang namayani sa mesa namin. Sobrang awkward ng buong ambiance.

"Uh, Doctor Leondones told me you also want to be a doctor?"

Medyo nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Marahil ay tulad ko ay naramdaman niya ang awkwardness sa hangin at naisip niyang basagin ito.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now