Chapter 38

729 44 0
                                    

 Chapter 38

I'm still not sure, sa naging sagot ko kay Keano. Marami pa rin akong pag-aalangan at mga alalahanin. Laking pasasalamat ko lang at nakabawas roon ang alalahanin ko kina Doc Carlos.

Si Keano ang nagsabi sa kanila. Katulad ng sinabi ni Ma'am Cassandra noong nakaraang gabi, hindi naman sila tutol sa kung anong nararamdaman namin ni Keano sa isat-isa. Pina-alalahanan lang nila kami na huwag magmadali at huwag mawalan ng focus sa mga priorities namin bilang mga estudyante.

"Talaga bang ayaw mo pang bumalik sa condo?" Tanong niya nang ihatid niya ako sa condominium building ni Allen.

Umiling ako. "Dito muna ako." Tipid kong sagot sa kaniya.

Nagsalubong ang kaniyang kilay. "Tsk. I am not comforntable na ang boyfriend ko ay nakatira sa bahay ng ibang lalaki." Seryoso niyang sabi.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa kaniyang sinabi. Hinampas ko ang braso niya. "Boyfriend? Luh, ang bilis mo naman pala, Mister." Panunuya ko sa kaniya.

Humalakhak siya.

"Duon rin naman papunta iyon, pwede naman na nating i-advance." Nakangisi niyang sabi.

Umiling ako.

"Ewan ko sa'yo. Sige na, baba na ako. Kailangan ko pang magreview." Paalam ko sa kaniya.

"Okay, but can I have a goodbye kiss?" Pinigilan ko ang kamay ko. Ngumuso tapos ay pumikit pa. Napatawa ako napa-iling. Siraulo talaga ito.

Imbes na halika ang nguso niya ay pinitik ko iyon na nakapagpamulat sa kaniya. "Ouch!" Angal niya. Humalakhak lamang ako. "'Yan na muna ang goodbye kiss mo. Sige na, bye!" Mabilis akong lumabas sa kotse niya at naglakad papasok sa building.

Kumaway pa ako sa kotse niya bago tuluyang makapasok. Wala sa sariling napangiti nalang ako habang naglalakad papuntang elevator.

Ikinuwento ko kay Allen at Yuri na naabutan ko sa condo ang mga nangyari sa dalawang araw na naging magkasama kami ni Keano. At first Allen is not totally agree with my decision, dahil narin sa alam niyang naging past relationship ni Keano.

Sinabi niyang baka sa huli ay masaktan lang ako. I told him, na kung iyon ang mangyayari wala akong pagsisihan at tatanggapin ko iyon ng buo dahil gusto ko naman.

Tsaka, hindi ba ganun naman ang pag-ibig? May saya at sakit. Tsaka narealized ko rin na walang kaibahan kung susugal ako o hindi, pareho lang rin naman ako masasaktan.

Kung kaya't mas pipiliin ko nang masaktan sa pag-sugal kong ito, para sa huli ay wala rin akong pag-sisihan. Kung masasaktan man ako, then I'll accept it. Wala naman tayong magagawa roon. Ang mahalaga ay naibigay ko ang lahat.

Ipinaalam ko rink ay Flynn ang naging desisyon ko. Wala naman siyang sinabi na pagkontra. Tahimik lang siya.

"If that's makes you happy, then go."

Iyon lang ang sinabi niya. Maging si Yuri ay iyon rin ang sabi. Sina Maico at Stella nalang ang hindi ko nasasabihan. Hindi ko pa kasi alam kung paano magsasabi sa kanila, especially kay Stella.

Wala akong balak isekreto sa kanila iyon, naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon na sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Keano.

Sa school ay gaya pa rin ng dati ang turingan namin. We do not talk that much. Pero sa tuwing magkikita kami, lalo na sa cafeteria ay hindi ko maiwasang mailang sa sobrang paninitig niya sa akin.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now