Chapter 17

794 42 1
                                    

Chapter 17




Nagising ako sa pagring ng aking cellphone. Aligaga koi tong hinanap sa ilalim ng aking unan dahil baka magising si Allen sa tabi ko.


Kaagad ko iyong sinagot nang makitang si Keano ang tumatawag. Tuluyan akong nagising nang marinig kong nasa labas na raw siya ng rest house nina Stella.


Kaagad akong bumaba para puntahan sana siya ngunit nang makababa ako ay nasa sala na siya kausap si Maico.




"Oh, gising kana pala." Sabi ni Maico nang makita ako. Tumango ako at lumapit sa kanila.


"Ang aga mo naman." Sabi ko sa kaniya.


"May pupuntahan tayo. Tara na?" Sabi nito.


"Ngayon na? Sandali aayusin ko lang gamit ko." Pagpaalam ko sa kaniya saka ako muling bumalik sa kwarto upang makuha ang gamit ko.


Gising na si Allen nang makabalik ako kaya nag paalam na rin ako sa kanila. Nag taka pa siya kung bakit ang aga kong aalis gayong ang napagusapan ay mamayang hapon pa kami uuwi.


Sinabi ko sa kaniyang nasa baba si Keano at sinusundo ako. Kumunot pa ang noo nito at nang usisa pa kung bakit.


"Ang sabi niya ay may pupuntahan kami." Sagot ko nang makapag palit ng damit.


"Nang ganito kaaga?" Sumulyap siya sa wall clock. "7:30 palang ah." Sabi niya.


"Hindi ko alam sa kaniya." Kibit balikat kong sagot.


Nang matapos kong iligpit ang mga gamit ko ay lumabas na rin ako, kasabay si Allen.


"Hindi muna ba kayo mag be-breakfast?" Tanong ni Stella sa amin na kakalabas lang ng kusina.


"No need. Eli, let's go." Malamig na tugon ni Keano sa kaniya at nauna nang maglakad palabas.


Alanganin akong ngumiti sa kanila saka na nagpaala. Pinasabi ko nalang kina Flynn at Yuri na tulog pa rin na nauna na ako.


Paglabas ko ay nasa kotse na si Keano kaya sumakay na rin ako. Kaagad niya iyon pinaandar nang makasakay ako.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.


"Basta." Maikling tugon niya.


Nagkibit balikat nalang ako.


Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang kumalam ang sikmura dahil sa gutom. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa hiyang naramdaman nang marinig ni Keano iyon.


Mahina siyang tumawa.


"I think we should grab a breakfast first." Sabi niya.


Tipid akong tumango at hindi nagsalita dahil sa hiyang naramdaman.


Tulad nang sabi niya ay huminto nga kami sa isang restaurant. As usual, sa mamahalin na naman kami kumain. Hindi naman na ako kumontra dahil siya naman daw ang magbabayad.


Pagkatapos naming makakain ay nagpatuloy kami sa biyahe. Hindi pauwi sa condo ang daang tinahak namin kaya hindi ko alam kung saan ito.


"Wait here, may kukuhanin lang ako." Bilin niya sa akin nang huminto kami sa tapat ng isang bake shop.


Tumango ako at sinundan siya ng tinging pumasok roon.


Mabilis lang at nakabalik na rin siya. May dala siyang apat na box. Inilagay niya iyon sa backseat ng kotse at muling bumalik sa loob. Paglabas niya ay may isang box naman ang dala niya.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon