Chapter 29: Being Dumped

1.2K 18 2
                                    

(K E V I N)

"Babalikan kita. Sisiguraduhin ko lang muna na okay na si Monique. Pagkatapos nun, babalikan kita. Babalik ako rito at sasamahan ulit kita." sabi ko sa sarili habang nasa loob ako ng elevator. Mahirap din naman sa'kin na iwan lang siya ron, pero pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko siya. Sa pagtatapos ng araw, alam ko na sa kanya pa rin ako uuwi.







( H A N I )

Matamlay ako'ng naglalakad pabalik ng suite. Hindi pa rin talaga tumitigil sa pagbagsak ng mga luha ko. Para na ako'ng tanga. Ang tanga-tanga ko na.

     "Ayoko naman talaga siya'ng umalis e, kaya ko lang naman sinabi 'yun kasi gusto ko'ng mapatunayan sa sarili ko na posible'ng ako 'yun'g sundin niya. Marami naman'g pwede'ng mag-alaga kay Monique dun. Pero ako, siya lang 'yun'g kailangan ko. Ayoko'ng puntahan niya si Monique, ayoko'ng iwan niya ako para puntahan lang ang babae'ng 'yun." wala'ng tigil sa pagbagsak ang mga luha ko.

   Umiyak ako hanggang sa dapuan ng antok dala na rin ng pagod. Mas mabuti na nga siguro'ng itulog ko nalang muna ang sakit.

   Nagising ako na maga ang mga mata.

   Hindi pala panaginip ang nangyari. Wala na nga talaga si Kevin.

   Napabuntong-hinga ako at tumingin sa kisame. Ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko, nanunuyo na rin ang lalamunan at labi ko sa pag-iyak.

     "Hindi, Hani. 'Wag ka'ng iiyak. 'Wag mo na siya'ng iyakan." pinakalma ko ang sarili ko't bumangon.

   Uminom ako ng tubig at napansin ang camera na nakapatong sa ibabaw ng TV. Dinampot ko 'yun bago bumalik sa kama.

   Mabilis na namuo ang mga luha ko habang tinitingnan ang mga litrato namin'g dalawa.

     "Nakasama nga kita ng ilan'g araw, pero ngayon nasa'n ka? Bumalik ka na ulit sa Monique mo, iniwan mo na naman ako'ng nag-iisa."

   Kanina lang kasama ko pa si Kevin pero ngayon wala na siya.

   Bakit napakabilis lang maglaho lahat nang kaligayahan na nararamdaman ko?

   Humiga ako at niyakap ang sarili. Ako nalang ang yayakap sa sarili ko, ako nalang ang magpupunas ng mga luha, ako nalang. Ako lang naman talaga simula pa nun e.




Sumapit ang alas dose, may narinig ako'ng katok sa pintuan. Agad ako'ng napabangon at inayos ang buhok ko—umaasa ako na si Kevin ang makikita ko sa pagbukas ko rito.

   Isa'ng pag-asa na naglaho lang rin.

     "Mrs. Romero?" nasaktan ako nang marinig 'yun. Napansin ko rin ang pagkain na dala ng bellboy.

     "I did not order this one." sagot ko. Heartbroken na nga 'ko ta's magno-nosebleed pa'ko sa kaka-englis, kaya nga hindi ako umorder sa costumer service kasi alam ko na mapapalaban ako sa englishan.

     "Your husband did."

   Namilog ang mga mata ko.

     "He paid your meals for today and for the next 3 days, too."

   Hindi ako nakakibo.

     "Where do you want me to put the food, Ma'am?"

   Tama, may pagkain nga pala.

     "Table." simple'ng sagot ko at mas nilakihan ang bukas ng pintuan.

   Hindi pa rin ako naka-move on sa sinabi ng staff. Binayaran na ni Kevin ang pagkain ko?

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now