Chapter 36: Anniversary Date

1.4K 27 3
                                    

(K E V I N)

June 19, 2010. Maaga ako'ng nagising at agad naghanda ng special breakfast para sa’min'g dalawa ni Hani. Huli'ng araw na'yun sa kontrata'ng ginawa ni Mama. Tatapusin ko muna ang araw na’to at magtatapat sa kanya kinabukasan. Yayain ko siya'ng pakasalan ulit ako at magsimula kami nang bago.

   Gusto ko'ng ikasal ulit kami, 'yun'g totoo'ng kasal, 'yun'g hindi kami napilitan dahil lang sa ginusto ni Mama. Kung tutuusin, dito naman talaga kami papunta ni Hani. Kaso nagkabuhol-buhol lang dahil nangialam si Mama. Hindi ako hinayaan ni Mama na gawin ang sarili ko'ng diskarte. Pinilit niya ako kaya tuloy pakiramdam ko nun, lahat nang nararamdaman ko kay Hani ay hindi totoo at pilit lang rin. Pero ngayon sigurado'ng-sigurado na ako, mahal na mahal ko si Hani. Hindi ko na siya pakakawalan pa.

   Naghanda ako ng Filipino breakfast para kay Hani sa lanai ng bahay. Tapsilog ang sa'kin, tosilog naman para sa sikmura niya. May mainit na tsokolate rin ako'ng hinanda para samin'g dalawa. Nagprito rin ako nang tuyo'ng dilis na may kamatis at sibuyas.

   Dumating siya noon'g inaayos ko na ang plating ng mesa. Nang tingnan ko siya ay nakalugay pa ang lagpas balikat niya'ng buhok—mas maganda siya 'pag ganun. Wala'ng kahit ano'ng make up, halata pa nga ang tigyawat niya sa may baba at banda'ng sintido.

     “Good morning.” nauna ako sa pagbati.

   Nginitian namin ang isa't isa.

   Nilapitan ko siya at sinimulan ang araw nang pagbibigay ng isa'ng piraso'ng rosas.

   She deserves that single Ecuadorian hybrid white rose than a bunch of red roses. She deserves to be special.

     “Happy anniversary.” as I lovingly gaze at her.

   Natawa siya at hinawakan ito. She was so gentle when she held the stem of it.

     “May ganito ka pa'ng nalalaman ha?” ngisi'ng sagot niya.

     “Minsan lang 'to. Kaya 'wag ka'ng KJ.”

   I heard her giggle at hinampas pa ang balikat ko.

     “Sige, bawal ang KJ sa araw na’to.” sang-ayon niya.

   Tinitigan ko siya nang may ngiti sa labi ko.

     “Tara, kain na tayo.” anyaya ko.

     “Ok.”

   Maganda ang panahon sa araw na 'yun, malamig ang simoy ng hangin kahit na bahagya'ng tirik ang araw. Perfect ang ambiance para uminom nang mainit na tsokolate.

     "Alam mo ba'ng matagal na ako'ng nag-crave nang tuyo'ng dilis?" pagkukwento niya habang pinapapak ang isa'ng piraso ng tuyo.

     "Alam ko."

   Tinitigan niya 'ko habang ngumunguya siya. Ang cute lang tingnan ng mga pisngi niya.

     "Pa'no mo alam?"

     "Nabasa ko ang nakasulat sa—"

     "Hoy!" sabay sipa sa paa ko.

   Tinawanan ko lang siya.

     "Invading of privacy 'yun'g ginawa mo. Bwesit ka talaga." pagtalak niya. Halata'ng nahiya.

     "Nakatihaya lang kaya sa mesa 'yun'g notebook mo."

     "Pumasok ka sa kwarto nang isa'ng babae nang wala'ng paalam." sabay duro sa'kin nang hawak niya'ng tuyo.

     "Asawa ko naman ang babae'ng 'yun."

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now