16.1

1.4K 26 1
                                    

( H A  N  I )

Kumakain ako ng bulalo sa cafeteria ng Jacksbridge nang bigla'ng tumawag si Kevin.

     “O bakit?” tanong ko sa kanya.

     “May klase ka pa ba?”

     “Meron, bakit?”

     “Wala lang, balak ko kasi'ng sunduin ka.”

     “Weh?”

     “'Wag ka na nga lang magtanong, para ka'ng siraulo.”

     “Wow naman, at galing pa talaga sa’yo 'yan.”

     “Paki mo ba? Una-unahan lang ‘to.”

     “Ses. Mas siraulo ka.”

     “O siya siya, basta ha? Susunduin kita mamaya. Mag-text ka kung patapos na ang klase mo.”

     “Ayoko nga, baka makita pa ng prof ko na nagte-text ako eh di mananagot pa ako dahil sa’yo.”

     “Okay lang, bibilhan nalang kita ng bago'ng cellphone.”

   Napangiti ako at kinagat ang ibaba'ng bahagi ng labi ko dahil sa kilig.

     “Hoy.”

     “Oo nakikinig ako, may pa-hoy hoy ka pa diyan. Bye na, magtetext nalang ako sa’yo. Bye.”

   Napangiti ako nang sobra, bumabawi ata talaga siya. Siraulo talaga ang lalaki'ng 'yun.

(K E V I N)

Maaga ako'ng dumating sa parking lot ng Jacksbridge para hintayin si Hani. Ilan'g minuto rin ako'ng naghintay bago makatanggap ng text galing kay si kutong-lupa na palabas na siya sa classroom nila.

   Ngumiti ako at lumabas ng kotse para salubungin siya.

   Pakiramdam ko para ako'ng totoo'ng asawa na naghihintay sa kanya.

   Nakita ko na nga siya na palabas ng gate, kasabay niya sa paglalakad sina Lea, Bree at si BOOM?

     "Ba’t naman magkasama pa rin sila'ng dalawa? Mukha'ng hindi ata nadala 'yun'g lalakingyun." naging reaksyon ng utak ko habang humahakbang palapit sa kanila.

     “Hani.” sabi ko.

     “O, ba’t nandito ka na agad?” may gulat sa mukha niya. Akala guro niya makakapaglihim siya sa’kin.

   Tiningnan ko si Boom at mabilis ko'ng hinawakan ang kamay ni kutong-lupa.

     “Namiss kasi kita.” hinalikan ko pa ang pisngi niya tapos ay inakbayan siya.

    “Mauuna na kami ha?” paalam ko sa mga kasama niya. Hindi nakakibo si Hani sa ginawa ko, para siya'ng statwa nang sabay kami'ng tumalikod habang nakaakbay pa rin ako sa kanya.

     “Nababaliw ka talaga noh? Ba’t mo ginawa 'yun?” pagsusungit niya. Malapit na kami sa parking lot nun.

     “Ba’t magkasama pa rin kayo ni Boom?”

     “Huh? Hindi naman ako ang sinasamahan nun.”

     “Hindi raw.”

     “Hindi nga. Si Bree kaya 'yun'g sinasamahan niya.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon