17.1

1.2K 22 0
                                    

(K E V I N)

December 23, 2009.

Nadatnan ko si Hani na naghihiwa ng prutas nang pumanhik ako sa kusina.

   Nilapitan ko agad siya at tinabihan.

     "Pahingi." utos ko sa kanya.

   Tumingin siya sa'kin at inis ako'ng sinubuan ng hawak niya'ng apple sabay sabi ng, "O." naiinis na naman siya at agad na bumalik sa paghihiwa ng mga prutas.

     "Hani, showing pa ba ngayon 'yun'g movie ni Ethan Lin?" tanong ko habang ngumunguya.

     "Oo, bakit?" sa prutas pa rin siya nakatingin.

     "Gusto mo'ng manuod?"

     "Wag na, nakanuod na ako kahapon."

     "Nanuod ka? Ba't 'di mo sinabi sa'kin? Akala ko ba tayo'ng dalawa ang sabay manunuod nun?"

     "Eh akala ko kasi nakalimutan mo na 'yun, kaya nung ayain ako nina Lea na manuod, sumama na ako. Last week na kasi ngayon ng showing sayang naman kapag pinalagpas ko pa."

     "Sina Lea lang ba ang kasama mo?"

     "Sina Boom at Bree rin...nakita ko rin pala si Stan dun."

   Umigting ang dalawa'ng tenga ko at tumakbo ang dugo ko papunta sa ulo matapos ko'ng marinig ang pangalan ni Stan.

     "Si Stan? Kasama mo si Stan?"

   Tumingin siya sa'kin at sumagot.

     "Nakita ko lang siya ron, sinamahan niya ang kapatid niya." at bumalik na rin sa paghihiwa pagkatapos.

     "Sigurado ka?"

     "Oo."

     "Kung ganun, bukas magdinner nalang tayo."

   Natigilan siya at tumingin muli sa'kin.

     "Ha?" tanong niya.

     "Noche Buena na bukas, diba? At wala naman sina Mama dahil out of the country sila ni Papa kaya magcelebrate tayo ng tayo'ng dalawa lang."

     "Talaga? Magdidinner tayo?"

     "Oo."

     "Wala ka ba'ng iba'ng kasama? Tayo'ng dalawa lang?"

     "Ano'ng gusto mo? Imbitahin ko lahat ng tao na sumama sa dinner natin?"

     "May sinabi ba ako'ng ganun?"

     "Wala."

     "O wala naman pala."

     "Kaya nga. Nagtataka ka pa kasi. Basta final na 'to. Magdidinner tayo bukas, tayo'ng dalawa lang."

     "Sinabi mo 'yan ah."

     "Oo nga sabi."

     "O chill lang. Merry dapat ang Christmas diba?" nakangiti na siya.

   Nag-snarl ang labi ko at kinuha ang bowl na may laman'g prutas na hiniwa-hiwa ni Hani.

     "Hoy, akin 'yan!" sigaw niya habang sumusunod sa'kin sa paglalakad.

   Napangiti ako at kumuha ng orange at kinain 'yun habang naglalakad papunta ng sala.





( H A N I )

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now