Chapter 7: His Gestures and Alibis

1.1K 19 1
                                    

(K E V I N)

Sa sumunod na araw, habang nasa loob ako ng opisina ay bigla'ng pumasok si Lani na may dala'ng malaki'ng square-shaped na bagay na tinatakpan ng brown na papel.

     “Good afternoon po, sir.”

   Tumango lang ako.

     “Sir, pinadala po ng RJX Photo and Prints. Wedding picture niyo ho ni Ma’am Hani.”

     “Wedding picture?”

     “Opo.”

     “Sige pakilagay nalang 'yan diyan sa gilid ng book shelf.”

     “Okay ho, Sir.”

   Pagkaalis ng sekretarya ko ay napatingin ako sa dinala niya'ng bagay.

     “Kinakailangan pa ba namin nang malaki'ng wedding picture? Si Mama talaga.” nainis talaga ako.

  






Alas nuwebe ng gabi na ‘ko nakauwi ng bahay namin. Pagod na pagod ako sa buo'ng araw at gusto ko nalang matulog agad pag-uwi.

   Dala-dala ko pa mula opisina hanggan'g bahay ang wedding picture namin ni Hani. Natigilan nga siya nang makita ang dala ko'ng malaki'ng bagay.

     “Ano 'yan?” sabay turo sa hawak ko.

     “Wedding picture natin.”

     “Huh? Ang laki naman.”

     “Tanungin mo 'yan kay Mama.”

     “Sa’n natin ilalagay 'yan?”

     “Sa kwarto nalang.”

     “Ok.” agad na pag-sang-ayon niya.

     “O ilagay mo na.” utos ko sa kanya.

     “Oy teka, ba’t ako? Eh ang bigat niyan, gusto mo ba'ng mabali 'to'ng mga braso ko?”

     “Hindi 'yan mababali.”

     “Ikaw nalang ang maglagay.”

     “May gagawin pa 'ko.”

     “May gagawin din ako.”

   Tinitigan ko siya at mukha'ng ayaw talaga niya'ng sumunod sa utos ko. Kaya sige nalang, hindi ko nalang siya pipilitin. Baka kagaya ko'y pagod din siya.

     “O sige na, kumuha ka nalang ng martilyo. O hindi na 'yan mabigat ha?”

     “Oo na po.” napipilitan niya'ng sagot tapos ay umalis.

   Ngumiti ako at pumunta na sa kwarto habang dala-dala ang wedding picture namin'g dalawa.

   Dumating na siya ulit minuto mula nun at binigay sa’kin ang martilyo.

     “Ito na 'yun'g martilyo.”

   Inirapan ko siya at tumuntong na sa ibabaw ng kama para malagay ko sa dingding ang picture frame. Tahimik lang siya na nanunuod sa ginagawa ko. Siyempre mas nagpa-impress ako sa kanya. Kinaya ko'ng ilagay ang picture namin nang mag-isa.

   Napailing-iling ako matapos ko'ng ilagay sa dingding ang malaki'ng litrato.

     “Hindi talaga tayo bagay.” sabi ko pa.

     “Huh?”

     “Tingnan mo oh, ang gwapo-gwapo ko pero 'yun'g asawa ko hindi naman masyado'ng maganda, kaya hindi talaga tayo bagay.” pang-iinis ko. But she's actually beautiful. Simple lang ang ayos niya sa kasal namin. Lutang na lutang ang ganda niya. Para siya'ng 16-yr old kung tutuusin.

     “Hala, oo nga, kasi ang bait-bait ko samantala'ng 'yun'g asawa ko ubod ng sama.” may bwelta na naman siya.

     “Ano'ng sabi mo?”

     “Hindi ko na uulitin, problema mo na 'yan.” at lumabas ulit siya ng kwarto.

   Kung makaasta naman ‘to'ng babaeng ‘to, hindi naman ako palagi'ng masama sa kanya. Kung makaasta siya para naman'g palagi ko na lang siya'ng pinapahirapan.

   Napangiti nalang ako at tinitigan ulit ang mukha niya sa kaharap ko'ng litrato.



Naging abala kami ni Hani sa kanya-kanya namin'g ginagawa. Busy siya sa pag-aaral, ako naman sa hotel. Wala naman'g ka-espe-espesyal na nangyari sa pagdaan ng mga araw. Ganun na ganun pa rin ang ginagawa namin, nag-aasaran na parang mga bata. Nagtatawanan. Nagtatalo. Wala'ng pinagbago.

   Hindi na namin namalayan na isa'ng buwan na ang lumipas mula nang matanggap namin ang wedding picture namin.

     “Oi sa’n ka na naman pupunta?” tanong ko sa kanya nang madatnan ko siya'ng paalis isa'ng araw.

     “Pupunta ako ng Riverbanks.”

     “Ano'ng gagawin mo ron?”

     “Mag-eenjoy.”

     “Hoy, Hani hindi ka pwede'ng umalis.” pagpigil ko.

     “Paki mo ba kung aalis ako?”

     “Hindi ka nga pwede'ng umalis, nagugutom na ako. Ipaghanda mo 'ko ng pagkain.”

     “Initin mo nalang 'yun'g ulam na niluto ko.”

     “Ayoko, gusto ko ipaghanda mo 'ko.”

     “Oo na!” napipilitan niya'ng sagot, para na naman siya'ng aso na gusto ako'ng lapain.

  Ngumiti ako nang naglalakad na siya papunta'ng kusina. Nagbihis muna ako ng damit pambahay at pagbaba ko ng hagdan ay papalabas na rin siya ng pintuan pero sinita ko siya.

     “Hoy, aalis ka pa talaga?”

     “Oo.”

     “Alas siyete na, hindi ka pwede'ng umalis.”

     “Gusto ko'ng sumama sa mga kaibigan ko, ilan'g beses na rin ako'ng hindi nakakasama sa mga lakad nila. Nakakainggit kaya 'yun'g mga pictures nila sa Facebook."

     “Pero gabi na.”

     “Eh wala naman'g pasok bukas.”

     “O eh di bukas nalang kayo umalis.”

     “Hindi nga ako pwede, diba? Ang dami mo kaya'ng pinapagawa sa’kin tuwing weekend.”

     “Eh di wala ka'ng choice kundi 'wag nalang umalis.”

     “Bahala ka basta aalis ako.” pagmamatigas pa nang maliit na babae’ng 'yun.

   Pinigilan ko ang braso niya at inis siya'ng tumingin sa’kin.

     “Hindi ka nga pwede'ng umalis.”

   Winaksi niya lang naman ang kamay ko.

     “Bitiwan mo nga ako. Basta aalis ako, hindi naman ako magtatagal eh.”

     “Bahala ka, sige umalis ka na!” inis ko'ng sigaw at tinulak pa ang braso niya.

     “Alam mo? Baliw ka talaga! Paiba-iba ng ugali.”

     “Umalis ka na nga, pinapayagan na kita!”

     “O siya, goodbye!” ang diin ng pagkakasabi niya.

   Hindi talaga siya nagpapigil, siguro nga gusto'ng-gusto niya ako'ng iwan rito sa bahay.

   Baka nababagot na rin siya sa’kin. 

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchDär berättelser lever. Upptäck nu