Chapter 4: First Weeksary

1.6K 25 3
                                    

(K E V I N)

Hindi kami nagkibuan habang nag-aalmusal, maging hanggang sa biyahe papunta sa Jacksbridge ay hindi rin kami nag-usap ni Hani. Ayaw talaga'ng mawala sa isipan ko ang narinig ko'ng sinabi niya kay Boom kagabi, pati na rin 'yun'g mga kinikilig niya'ng ngiti.

   Ah basta. Kahit na ano'ng sabihin niya, may karapatan ako'ng bawalan siya. Hindi nalang kami basta-basta'ng magkaaway o magkaibigan, kasal na kami at pwede ko siya'ng bawalan kung gusto ko.

     “Pwede ba ako'ng pumasok sa loob?” tanong ko kay Hani nang palabas na ito ng kotse.

     “Ha? Papasok ka rin?”

     “Para naman makita ko 'yun'g mga kaklase mo, wala sila nung kinasal tayo diba?”

     “Ikaw bahala.”

   Sa paglalakad namin'g dalawa ay napansin ko'ng marami'ng tao ang nakatingin sa’min at karamihan ay mga babae pa ‘to.

     “Sabi ko sa’yo eh, maswerte ka dahil ako 'yun'g asawa mo.” pagmamalaki ko sa kanya.

     “At bakit na naman?”

     “Kasi gwapo ako.”

     “Ang kapal.” she looked at me with a poker face.

   Napangiti lang ako.

 ( H A  N  I )

Gwapo ka nga, hindi ka naman mabait. Aanhin ko 'yan'g mukha mo? Pwede naman 'yan'g pumangit.” sagot ng utak ko habang naglalakad kami ni ulupong.

     “Hani!” sigaw nina Bree at Lea.

   Pareho kami ni Kevin na natigilan nang marinig ang sigaw na ‘yun.

     “Hi.” mahina'ng sabi ko, alam ko'ng interesado sila sa kasama ko kaya isa'ng pagsisinungaling na naman ang gagawin ko panigurado.

     “Siya ba si Mr. Ulupong?” bulong ni Lea.

     “Siya nga.” sagot ko.

     “Ang gwapo.” sabi ni Lea.

     “Gusto mo sa’yo nalang?”

     “Hoy, masisira pa 'yun'g friendship natin.”

     “Hani.” bigla'ng sabi ni Kevin.

   Napatingin ako sa kanya.

     “Oo nga pala, Kevin, sina Bree at Lea.” pagpapakilala ko.

     “Hi, Kevin.” bati nang dalawa.

     “Hi. Nasa’n si Boom?” tanong nito bigla.

   Namilog ang mga mata ko at napatanong kay ulupong.

     “Si Boom? Bakit?”

     “Gusto ko lang siya'ng makita. Kaibigan mo rin siya diba?”

     “Bakit?”

     “Wag ka nalang magtanong, basta gusto ko siya'ng makita.”

     “Um, Hani nandun si Boom sa fountain.” pagsabat ni Lea.

     “Pumunta tayo ron, gusto ko siya'ng kausapin.” disesyon ni Kevin at hinawakan pa ang kamay ko.

     “Hoy, ano ba'ng binabalak mo?”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now