Chapter 23: It's Getting Harder

1.5K 21 5
                                    

(K E V I N)

Pasado alas onse na ng gabi, natutulog na si Monique kaya umalis na 'ko. Nag-iwan nalang ako ng prutas at note sa side table niya.

   Habang binabaybay ng kotse ko ang daan palabas ng village nina Monique ay napansin ko ang oras sa stereo.

    “Birthday pa rin niya, pwede pa ako'ng humabol.”

   Dumaan muna ako sa isa'ng coffee shop at bumili ng cake. Buti nalang at nakahabol pa 'ko bago ang closing time nila. Binili ko ang natitira'ng slice ng chocolate cake para kay Hani.

   Pagdating ko ng bahay ay nadatnan ko'ng tulog na siya. Para siya'ng bata lalo na kung wala siya'ng make up, sobra'ng cute lang niya.

   Ngumiti ako at ginising siya.

     “Hani! Hoy, kutong-lupa! Gumising ka!” sigaw ko na nagpagulat sa kanya kaya siya napabangon.

     “Ba’t ka ba sumisigaw?!” sigaw rin nito habang nakapikit pa ang mga mata at ginugulo ang buhok niya.

   Napangiti ulit ako.

     “Dumilat ka.”

     “Ano ba ka—” natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang dala ko.

     “O, akala ko ba gusto mo ko'ng makasama sa dinner? Birthday mo ngayon, tapos madadatnan kita na natutulog kahit na hindi pa natutupad 'yun'g mga nasa birthday wishlist mo?”

   Tinitigan ako ni Hani nang matagal.

 


( H A  N  I )

Baliw ka. Talaga'ng matindi ka'ng gago ka'ng ulupong ka! Nakakainis ka! Balak mo talaga ako'ng patayin sa kilig?!





(K E V I N)

“Gago ka. Ano'ng oras na ba kasi? Birthday ko pa rin ba?” pagtataray niya.

     “Oo, may 23 minutes pa.”

   Bigla ba naman'g napaiyak si Hani na parang bata at yumuko habang humihikbi.

     “Hoy, ba’t ka umiiyak?” nag-aalala'ng tanong ko.

   Inis siya'ng tumingin sa’kin.

     “Ikaw kasi.” hagulgol niya at dinuro pa 'ko.

     “Ano'ng ako?”

     “Hindi mo naman natupad 'yun'g number 3 sa wishlist ko.”

     “Eh di sa’kin ka nalang sumakay, kunwari ako 'yun'g kabayo.”

   Natigilan sa pag-iyak si Hani. May namuo'ng luha sa gilid ng mata niya. Pula ang ilong at leeg sa pag-iyak kanina.

   Mali ba ang nasabi ko.

   Napatawa siya bigla. Mukha'ng nababaliw na ata talaga siya.

     “Hindi ka naman kabayo eh, ulupong ka.”

   Damn, she's so cute.

   Ngumiti ako at nilapag ang cake sa side table tapos ay pumwesto na ako na parang kabayo na pwede'ng masakyan ni Hani.

     “Eh di kabayo'ng ulupong ako. Kaya sige na sumakay ka na, aandar na ang carousel mo.”






( H A  N  I )

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ