Chapter 11: If it makes her Happy

1.3K 18 0
                                    

( H A  N  I )

Lunes ng gabi, habang nagluluto ako ng hapunan ay narinig ko ang tungkol sa idol ko'ng si Ethan Lin. Agad ako'ng tumakbo papunta sa sala at mas nagfocus sa panunuod ng balita sa TV.

     “Oh my! Pupunta siya ng bansa! Yes! Makikita na rin kita sa wakas Ethan my Ethan! Ahhh!” pagtitili ko matapos ko'ng malaman na magkakaroon ng fan conference ang idol ko'ng Taiwanese heartthrob na si Ethan dito sa Pilipinas.

   Nang dumating na si Kevin ay nadaanan niya ako sa sala, napatigil siya sa paglalakad at nagtanong sa’kin.

     “Good mood ka ata, may nangyari ba?”

   Napansin rin pala niya na sobra'ng saya ko. As in talaga!

     “Oo, alam mo ba na magkakaroon ng fan conference si Ethan Lin sa MOA?”

     “Sino naman 'yan'g Ethan na ‘yan?”

     “Siya si Roberto ng The sweet life of Almira.”

     “Ah 'yun'g teleserye'ng sinusubaybayan niyo ni Mama noon?”

     “Oo! Ang gwapo nun diba? Kaya hindi ko palalagpasin na makita siya sa personal.”

     “Ganyan mo talaga siya ka idol?”

     “Oo naman, malay mo baka kapag nakita niya ako, magustuhan niya ako, baka magkatotoo 'yun'g panaginip ko na si Ethan 'yun'g makakatuluyan ko.”

     “Grabe ka rin kung managinip. International artist talaga ang pinapangarap mo?”

     “Hoy, for your information, hindi masama'ng mangarap.”

     “Masama kapag alam mo'ng imposible'ng-imposible naman'g matupad.”

     “He! Pwede ba 'wag mo'ng sirain 'yun'g moment of happiness ko?”

     “Bahala ka.” sagot niya sa’kin at tuluyan'g umakyat na ng hagdan. “Nga pala, ihanda mo na ang hapunan. Nagugutom na ako.” pag-utos pa niya.

   Buti nalang at good mood ako.

   Pumunta ako ng kusina at hinanda na nga ang mesa para makapaghapunan na kami'ng dalawa ni ulupong.

   Kinikilig pa rin ako sa ideya na dadating sa bansa si Ethan kaya balewala lahat ng pang-aasar ni Kevin.

  

Sa kalagitnaan nang paghahapunan namin ay sinipa ko ang paa ni Kevin.

     “Ano?” wala'ng gana'ng tanong niya.

     “Magpapaalam lang ako, pupunta ako sa fan conference ni Ethan ngayon'g Sabado.”

     “Bakit ka pa pupunta ron? Hindi ka naman mapapansin nun, magsasayang ka lang ng oras at pera mo.”

     “Kahit kailan talaga wala ka'ng konsiderasyon. Hindi mo pa ba naramdaman ni minsan na may isa'ng tao ka'ng gusto'ng gusto'ng makita tapos malalaman mo nalang na may pagkakataon na magkita kayo, diba matutuwa ka at susunggaban mo ang pagkakataon'g ‘yun?”

     “Hindi ko pa nararanasan 'yun'g ganyan.”

     “Sus. Pa’no kung may mawala'ng mahalaga'ng tao sa’yo? Hindi mo na pala siya makikita ulit at bibigyan ka nang isa'ng last chance para makita siya, kahit makita mo lang siya, diba gugustuhin mo'ng sulitin ang pagkakataon na ‘yun? Kahit na hindi man kayo mag-usap pero makita mo lang siya, solve ka na.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now