Chapter 33: The Last Month

1.3K 15 0
                                    

(K E V I N)

Sa almusal na ulit kami nagkaharap ni Hani. Hindi maganda ang gising ko sa araw na 'yun, nahirapan din ako sa pagtulog sa nakaraan'g gabi. Iniisip ko ang mga nangyari at kung ano na nga ang mangyayari.

     “Hoy, ulupong.” sita niya habang may hawak pa siya'ng isa'ng tinapay at nakalobo na ang isa'ng pisngi.

     “Bakit?” matamlay ko'ng sagot sa kanya.

     “Ba’t hindi mo pa ginagalaw 'yan'g pagkain mo? Alam mo ba'ng maaga ako'ng gumising para magluto ng mac and cheese? Siguro nagsasawa ka na sa cheese noh? Sabi naman sa’yo eh, hindi masarap 'yan.”

     “Wala ako'ng gana.”

     “Ano'ng wala ka'ng gana? Hoy, hindi pwede 'yan ah. Ubusin mo ‘yan, masasayang lang 'yan 'pag 'di mo kinain. Alam mo naman'g hindi rin ako kumakain nang ganyan kaya ubusin mo ‘yan. Ang hirap kaya ng buhay ngayon kaya bawal magsayang ng pagkain.”

     “Hani.”

     “O?”

     “Bumalik ka na sa kwarto natin.” seryoso'ng sagot ko habang nakatitig ulit sa mga mata niya. Baka sakali'ng magbago pa ang isip niya. Baka pwede ko pa'ng baguhin ang nararamdaman niya.

     “Hay naku, Kevin. Magtatalo na naman ba tayo diyan? Ayoko nga'ng bumalik dun.” tanggi niya at kumain ulit ng tinapay.

    "Promise, mas malaki na ang lugar mo sa kama. Kahit dun nalang ako sa sofa sa walk in natin matulog, okay lang. Basta bumalik ka lang."

     "Hindi na kailangan. Okay na'ko sa kwarto ko."

     "Hani—"

     "Kahit ano pa'ng sabihin mo. Hindi na magbabago ang isip ko."

     "Kapag nalaman ni Ma—"

     "Sinabi ko naman na alam na ni Mama 'to, diba?"

     “Talaga ba'ng gusto mo nang lumayo sa’kin?”

     “Ano ba'ng klase'ng tanong 'yan? Ayoko lang na manatili pa sa kwarto'ng 'yun. Baka mas lalo ko lang ma-miss kapag nawala na ako rito nang tuluyan. Mas mabuti nang mas maaga pa ay maka-adjust na ako, kaya sana ikaw rin.”

   Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa pag-aalmusal.

   Mukha'ng hindi ko na nga mababago ang isip niya.

  

Nang paalis na ako ng bahay ay narinig ko ang boses ni Hani na tinatawag ang pangalan ko. Huminto ako sa paglalakad at lumingon ta’s nakita ko nga siya'ng hinahabol ako.

     “Bakit?”

     “Nakalimutan mo na naman ang papeles mo. Sus, makakalimutin ka na talaga.” hingal na sagot niya at inabot ang folder, “O, kunin mo.”

   Tinitigan ko ang hawak niya. Kapag nawala na siya, sino nalang ang gagawa sa'kin nang kagaya ng mga ginagawa niya?

     “Salamat.” sagot ko matapos tanggapin ang iniabot na folder.

     “You’re welcome.” may ngiti ulit sa mukha niya.

   Mas masaya na ba siya dahil nailabas na niya ang tunay niya'ng nararamdaman?

   Tinalikuran ko siya. Masakit pa sa'kin ang mga pangyayari.

   Binuksan ko na ang kotse, pero hindi na muna ako pumasok. Sa halip ay tumingin ulit ako sa kanya.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now