14.1

1.3K 17 3
                                    

( H A  N  I )

Nasa kalagitnaan ako ng pagda-dart nang bigla'ng may nag text sa’kin. Matapos ko'ng mabasa ang laman ng inbox ko ay parang may nag-dart rin sa puso ko.

     “Mauna ka ng kumain. Kasama ko si Monique.” pagbabasa ko sa text ni ulupong.

   Nagpalabas ako nang sarkastiko'ng ngiti.

     “Hindi mo na ako kailangan'g sabihan! Kanina pa ako tapos kumain!” pagsesermon ko sa cellphone ko.

   Inis ko 'yun'g nilapag sa kama. 

     “Mag-aalas otso na, ano'ng akala niya sa’kin? Hindi pa rin nakakakain at hinihintay siya? Ang swerte naman niya para hintayin ko pa siya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki'ng ‘yun.” naluluha kong sabi.

   Napaupo ako bigla sa isa'ng sulok ng kama at tuluyan'g umiyak.

     “Ang kapal kapal kapal talaga ng mukha mo.” lumuluha ko nang sabi.

   Nanginig ako sa galit at sa sakit na nararamdaman ko.








(K E V I N)

Alas onse na ng gabi ako nakauwi ng bahay namin ni Hani. Tinulungan ko pa kasi si Monique sa pagsasara ng shop niya at hinatid ko rin siya sa bahay niya. 

   Pagpasok ko sa loob ng kwarto namin ay tulog na si Hani at humihilik na.

   Napangiti ako at tinitigan siya.

     “Nakakamiss ka pala'ng asarin kutong-lupa.” mahina ko'ng sabi.





( H A  N  I )

Dalawa'ng araw ang lumipas, habang naglalakad ako sa lobby ng Jacksbridge isa'ng hapon ay nakasalubong ko si Boom na may dala'ng bulaklak at stufftoy.

     “Oy, sa’n ang lakad mo?” tanong ko sa kanya.

     “Kay Bree, magso-sorry sana ako.”

     “Bakit?”

     “Nagselos kasi siya sa kapartner ko sa social dancing, kaya ito kailangan ko'ng suyuin.”

   Wow, how sweet.

   Napangiti ako habang nakatingin sa hawak ni Boom.

     “Matutuwa niyan si Bree, sige puntahan mo na siya, nasa library lang naman siya.”

     “Ganun ba? Sige, Hani, salamat.”

     “Wala'ng anuman.”

   Hinatid ng mga tingin ko si Boom, nang nasa malayo na siya ay napabuntong-hinga ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

  




Pag-uwi ko ng bahay ay bigla na lang umulan kaya natigilan ako sa paghihiwa ng patatas at pinagmasdan muna ang bumubuhos na ulan sa labas.

     “Please, 'wag ka nang umulan. Baka hindi ko na naman siya makasabay sa paghahapunan. Please, kahit ngayon lang, maging kakampi naman kita.” pagmamakaawa ko sa Diyos ng ulan.







(K E V I N)

Napansin ko'ng bumubuhos ang malakas na ulan habang nasa biyahe ako pauwi ng bahay namin. 'Di nagtagal ay narinig ko'ng may tumatawag sa cellphone ko.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now